Ivana Alawi, pasabog ang birthday photoshoot sa Okada

Ivana Alawi

Para sa kanyang 25th birthday ay nagkaroon ng pasabog na photoshoot ang sikat na Youtuber na si Ivana Alawi na ginanap sa Okada Manila.

Kasama ang kanyang “dream team” ay binuo nila ang ayon pa kay Ivana ay ang kanyang dream photoshoot.

“So I’m so happy kasi nag conceptualize ako with my team at tinanong nila ako kung anong gusto ko”, nakangiting sabi ni Ivana.

Dagdag pa niya, “Ang sabi ko I want butterflies. I love gold. I want Swarovski. Yung mga bato-bato. Thank you for making my dream into a reality.”

Merong dalawang locations ang photoshoot. Isa ay sa Villa at ang isa ay sa Cove Manila.

Kung last year ang wardrobe ay mga gowns, ngayong taon naman daw ay hubad ang concept.

“As a hubadera this is my natural talent”, biro pa niya.

Credit: Ivana Alawi/Youtube Channel

Si BJ Pascual ang photographer ni Ivana para sa dream photoshoot na ito. Si BJ din ang kumuha ng mga magagandang larawan nito noong nakaraang taon.

Samantalang si Adrianne Conception naman ang kanyang stylist.

Para sa unang shoot ay sinuot ni Ivana ang isang sexy orange dress, kung saan lumutang ang kanyang kaseksihan.

Credit: Ivana Alawi/Youtube Channel

Nagkaroon din sila ng family portrait. Ayon kasi kay Ivana ay never pa diumano sila nagkaroon ng family picture na kumpleto silang pamilya.

“So yun, first photo namin ng family. Super excited kasi sa buong buhay namin wala pa kaming picture na magkakasama”, saad pa niya.

Inayusan din ang nakababatang kapatid ni Ivana na si Mona. Tila nagmukha namang stage mother si Ivana na tila naging proud ate kay Mona.

“First time kasi magpa make-up ni Mona. Stage mother ako dito”, natatawang sabi ni Ivana.

“Hindi…hindi na ako magtatanggal ng make-up”, kwelang sagot naman ni Mona sa kanyang ate.

Super excited daw diumano si Mona na mapasali sa photoshoot.

Nagkuwento naman ang magkapatid na ayaw daw talaga ng kanilang ina na mag pictorial, pero dahil birthday ni Ivana ay pumayag nalang daw diumano ito.

Para sa kanilang family portrait ay nakasuot ng puti si Ivana at ang kanyang pamilya.

Credit: Ivana Alawi/Youtube Channel

Kuwento pa ni Ivana, “Noong debut ko, gustong gusto ko yung all white na theme. As in yun yung ni request ko. Kasi pinilit talaga ako ng nanay ko mag debut. So nag white gown ako.”

“Gusto ko lahat ng kasama ko naka all white. Kasi nakikita ko sa picture ang ganda ganda”, dagdag pa niya.

Pero hindi daw natupad ang dream na all white debut nito dahil hindi daw sang ayon ang kanyang mama. Ibinunyag naman ni Ivana na white at gold ang kanyang paboritong kulay.

Naka white long sleeve naman ang mama ni Ivana.

“Hindi ako sanay ng ganito. Ewan ko, nababasa yung kili-kili ko dito” pabirong reklamo nito.

Naging maganda naman ang kinalabasan ng family portrait ng Alawi family.

Para sa kanyang pangatlong layout ay naging golden statue ang birthday girl na may mahabang buhok.

Credit: Ivana Alawi/Youtube Channel

Super proud naman ang mama ni Ivana na sinabing mukhang pang international daw ang mga kuhang larawan ng anak.

Samantala, nagbalik tanaw si Ivana sapagkat ang kauna unahang niyang photoshoot ay kinunan din sa The Cove sa Okada Manila.

Naging emosyonal naman ang kanyang road manager na si “Kuya Pau” nang maalala ang hirap na kanilang pinagdaanan noon.

Kuwento pa ng kanyang road manager, “kasi di ba that time. Sino ba si Ivana? Lagi kong kinukwento na dinadaan daanan lang kami dati.”

Credit: Ivana Alawi/Youtube Channel

Sabi ni Ivana medyo naging mahirap para sa kanya ang magpa seksi noong una dahil mahiyain siya.

Pero ang kanyang road manager daw diumano ang nag push at isa sa nagbigay lakas ng loob sa kanya para gawin ang mapangahas na unang photoshoot na iyon.

Hanggang ngayon ay hindi daw talaga inaasahan ni Ivana na makikilala siya at magkaroon ng milyun milyong followers. Kaya’t ganun na lamang ka espesyal sa kanya ang Okada Manila.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.