Usap usapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang mga larawan nina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na tila nasa isang amusement park.
Sa halos 12 seconds tiktok video ni @jerabofficial ay makikita ang dalawa na sobrang sweet.
Makikita rin na niyakap ni Jeric si Rabiya habang magkahawak ang kanilang mga kamay.

Sobrang lagkit rin ng kanilang mga tinginan.

Kaya naman hindi napigilan ng mga netizens na magkaroon ng iba’t ibang reaksyon tungkol dito.
Marami ang nagulat pero marami rin ang kinilig. Ang iba ay naman ay nagtatanong kung ano ba talaga ang real score sa dalawa.
Merong iba na naghahanap pa ng pruweba kasi hindi sila kumbinsido sa kanilang nalaman.
Ang sabi naman ng iba ay gimik lamang daw ito.
May nagtanong din kung paanong magiging sila dalawa eh nobya daw diumano ni Jeric si Sheryl Cruz? Pero parehong pinabulaanan nina Sheryl at Jeric ang isyu.
Narito ang ilan sa mga nakakatuwang komento ng mga netizens sa social media.

Meron namang mga netizens na hindi makapaniwala sa kanilang nakita.

Meron din namang mixed emotions.

Meron ding tila ayaw yata magkatuluyan ang dalawa.

Meron naman iba na nagdududa pa.

Sa ngayon wala pang naging comment ang dalawa tungkol sa isyu.
Matatandaang naghiwalay si Rabiya at ang kanyang boyfriend ng halos pitong taon na si Neil Salvacion noong Hunyo.
Si Neil mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram stories.
Ayon pa sa kanya, “Spreading rumors without even knowing the whole story is too much.”
“We don’t deserve all the negativities manifested towards us, especially towards Rabiya. She worked hard to achieve whatever she has right now and she deserves it all”
“It’s NEVER ok to degrade a person just to prove a point. I mean, if you have nothing good to say, it’s better to keep it within yourself.”
Dito na rin niya inamin ang real score sa kanila ni Rabiya.
Saad pa ni Neil, “The real thing is we are not together anymore but we are both ok. Moving forward, we talked and we are both happy with our own lives.”
“We both believe that God placed us in this kind of situation for a reason and that is for the better.”
Sa huli ay pinaalalahanan niya ang kanilang mga followers na maging marespeto at magalang sa isa’t isa.
“It doesn’t cost a cent to be kind guys. Let us spread kindness and be respectful towards each other. May it be through thoughts, words or deeds.”
Samantala sa kasalukuyan naman ay sobrang busy ng dating beauty queen sa shooting ng GMA program na “Agimat at Agila” kasama si Senator Bong Revilla Jr.
Kakatapos lang din ni Jeric i shoot ang pelikulang kinabibilangan niya na may pamagat na “Broken Blooms.”
Marami ang nag aabang sa mga susunod na kabanata sa buhay ng dalawa.
Well, kung totoo man ay happy naman tayo para kay Rabiya at Jeric.