Alexa Ilacad at KD Estrada, Evicted Na sa PBB!

Tuluyan na ngang lumabas ng Bahay ni Kuya ang “Smartista Unica Hija ng Pasig” na si Alexa Ilacad at ang “Music Wonder Boy ng Parañaque” na si KD Estrada.

Ginanap ang live eviction night kagabi, December 26, 2021.

Tila hindi naman sorpresa sa dalawang latest evictees ang naging anunsyo ni Toni Gonzaga, dahil pareho silang nakangiti matapos banggitin ni Toni na sila na nga ang tuluyan nang lalabas ng Bahay ni Kuya.

Mas nagulat pa nga ang kanilang mga kasamang nominees.

Kaya hindi masyadong naging mabigat ang pagpapaalam ng dalawa sa kanilang mga kasama dahil pareho silang nakangiti habang papasok sa confession room.

Proud si Alexa sa kanyang naibahagi sa kanyang maiksing pananatili sa Bahay ni Kuya.

“Sa tingin ko Kuya ang pinaka importanteng naibigay ko sa kanila bukod sa musika ay ang pagiging maalagain ko sa mga kasama kong housemates”, saad pa ni Alexa.

Super proud din ang ina ni Alexa sa mga na achieve ng anak sa loob ng bahay.

“You have definitely won the hearts of the taumbayan Alexa and that makes you a winner already. We are so proud of you”, bulalas ng ina ni Alexa.

Si KD naman ay tila super proud din sa kanyang mga na achieve sa loob ng PBB house.

“I definitely gave music to the house”, sambit pa ni KD.

Ayon naman sa ama ni KD, “You actually did what you said when you entered the PBB house KD. You did just you and the people loved you for it. Sobrang overwhelming talaga.”

Kaya naman marami na sa mga fans nina Alexa at KD ang super excited sa mga magiging future projects at accomplishments nila sa outside world.

Samantala, ayon sa final tally of votes, nakakuha ng pinakamababang vote to save si KD na mayroon lamang 16.99%.

Sumunod naman sa pinakamababang porsyento ay si Alexa na meron lamang 17.03%.

Ang tatlo namang ligtas ay sina Samantha Bernardo na nakakuha ng 17.98%. Ligtas din si Madam Inuts na nakakuha ng 18.92% at si Anji Salvacion na nakakuha ng pinaka mataas na porsyento na 19.18%.

Dikit ang laban ng lima, kaya naman samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol dito.

Merong natuwa at meron naman dismayado dahil inaasahan nga nilang makakapasok ang kanilang mga pambato na si Alexa at KD.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa ginanap na eviction night kagabi.

Merong hindi makapaniwala sa nangyari.

Isa itong malaking sorpresa para sa mga fans nina Alexa at KD dahil dalawa nga sila sa may pinaka malakas na fan base.

Maaalalang naging makulay ang mga pinagdaanan ng dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya.

Si Alexa ay naging kontrobersyal dahil sa pagkaka link nito sa housemate na si Eian Rances. Naging masalimuot ang kanilang love story dahil sa pabago-bagong nararamdaman ni Eian tungkol kay Alexa.

Ngunit noong lumabas si Eian ay sinabi nitong aantayin niya si Alexa sa labas para maituloy ang kanilang plano.

Si KD naman ay naging roller coaster ride din ang pananatili sa loob ng PBB house. Pero mas naging makulay ito dahil kanilang away bati na relationship ni Anji.

Samantala, inanunsiyo na ni Big Brother ang kanyang official PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition top 5.

Ito ay sina Samanta, Anji, Madam Inuts, Brenda Mage at Alyssa Valdez.

Sa top 5 ay pipiliin ang magiging top 2 at dito ay hihirangin ang magiging PBB Kumunity Celebrity Big Winner.

Sa loob ng linggong ito ay magiging mas mahirap daw diumano ang mga challenges na kakaharapin ng natitirang housemates, ayon pa kay Big Brother.

Sino nga kaya sa lima ang hihiranging Big Winner?

Aabangan natin ang pasabog na announcement ni Big Brother this weekend.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.