Isang matapang na Sheryn Regis ang humarap sa interview kasama si Ogie Diaz.
Sa vlog ni Ogie na inupload ngayong araw, December 27, 2021, ay isa isang sinagot ng singer ang lahat ng mga kontrobersyang kinasasangkutan niya.
Kasama sa interview ang kanyang girlfriend na si Mel de Guia.
Sa unang bahagi ng interview ay inamin na agad ni Sheryn na matagal na niyang nararamdaman ang magkagusto sa kapwa babae.
“Alam ko na sa sarili ko na bahagi ako ng LGBTQ.”
“It’s just that I started living with a man when I was 18 years old”, saad ni Sheryn.
“Yun yung time na parang may realization ako na parang iba yong feeling ko. Iba yung nararamdaman ko.”

Bata pa daw diumano siya ay may nararamdaman na siyang kakaiba. Ngunit dahil sa konserbatibo ang kanyang pamilya ay pinigl niya ito.
“It’s just that lage tayong naka follow sa parents kung anong gusto nilang mangyari sa buhay.”
Mas nakadagdag pa daw diumano sa pressure ay noong nag aral siya sa isang Catholic school. Pero may isa raw pagkakataon na hindi na niya napigilan ang sarili kaya kinausap na niya ang kanyang ina.
Sabi ni Sheryn, “Ma, hindi naman talaga ako yung gusto mong babae na wife material talaga”.
Pero sinabihan lang daw siya ng kanyang ina na yun ang tamang gawin.
Kaya naman hindi na lamang ginawang kumplikado ni Sheryn ang sitwasyon. Siya na lang ang nag paubaya.
“Kung i complicate ko pa yun eh di me against the world na. Me against the clan.”, paliwanag pa ng singer.
Kaya naman noong pumasok daw diumano si Sheryn sa showbiz ay mas nag focus na lamang siya sa idea na siya ay babae at siya ay may asawa na.
Pag amin pa niya, “Pero iba pala Kuya Ogie. Kulang na kulang. Hindi ako masaya”.
“Dahil naramdaman ko na hindi ‘to ako. Hindi ako ‘tong Sheryn na pino-project ko.”
“Yes as a diva, I sing. I wear gowns.”
“Ganito naman talaga ako babaeng babae, pero ang puso ko iba. Pang mas may gusto ako na iba na hindi ko alam. Kulang na kulang.”

Pero noong nanganak na daw siya sa kanyang unica hija ay naisip niya na isa itong reward pero may kulang pa rin.
“Naramdaman ko yung essence of a woman is to have a child. Yes ang essence. Babae ako pero parang gusto ko pa rin babae”, natawa niyang sambit.
Inamin din ni Sheryn na “in denial” pa siya sa kanyang nararamdaman kahit may anak na siya.
Sa bandang huli daw ay nagtapat si Sheryn ng tunay niyang pagkatao sa kanyang dating asawa na si Tito Earl.
“Sabi ko sa kanya, Tito Earl, I am a lesbian.”
Nanginginig na pagtatapat daw diuamano ni Sheryn sa dating asawa.
Nagulat daw diumano ito noong sinabi niya ang katotohanan. Tinanong din siya nito kung niloloko ba siya ni Sheryn.
Pero ang sagot daw sa kanya ni Sheryn ay, “Yes Tito Earl, I am living a lie. Not just to you. Not just to the family. Lie sa sarili ko din.”
Sinisi din ng singer ang kanyang denial sa pagkakaroon niya ng depression.
Sinubok na daw siya ng buhay kaya nagkalakas loob siyang magtapat sa dating asawa.
Sa sobrang pagdi deny niya diumano sa kanyang nararamdaman ay mas nag focus siya sa kanyang career kaya naman nag suffer ang kanyang buhay may asawa.
“I became selfish in a way na hindi ako naging asawa pero naging inay ako.”
Pero sa ngayon daw ay sobrang ok na ang kanilang relasyon ng kanyang dating asawa.
Binunyag din ni Sheryn na laging magkausap si Mel at Tito Earl.
Tanggap din daw diumano ng kanyang anak na si Sweety ang kanyang bagong karelasyon ngayon.

11 years old pa daw diumano ang kanyang anak nang inamin niya na isa siyang lesbyana.
Ang sagot lang daw sa kanya ng kanyang anak ay, “Oh well, I knew it mommy, but it doesn’t make you less of a person. It does’nt make you less of a mom.”
Nakatulong daw diumano sa pagiging open minded ng anak ang kanyang pagtira sa Amerika. Pero tanging hiling lamang ng anak niya sa kanya na huwag munang i divorce ang kanyang daddy.
Pinagbigyan naman daw ni Sheryn ang hiling ng kanyang anak dahil mahal na mahal niya ito.
Inamin naman ng bagong karelasyon ni Sheryn na si Mel na hindi naging madali ang pinagdaanan nilang proseso para matanggap ng kani-kanilang pamilya ang kanilang pagmamahalan.
Dumaan daw diumano sila sa maraming pagsubok. Pero respeto at pagmamahal daw ang nangibabaw kung kaya’t naging ok na ang kanilang sitwasyon sa ngayon.

May mensahe naman si Mel para sa kanilang mga bashers.
“Siguro itong pag out na ‘to para sa amin, is a way din para tumigil na. Move on na kayo kung anong past namin.”
“Tama na. Masaya kami. 2022 na. Let’s move forward. Kasi lahat naman tayo deserve natin maging masaya”, saad pa ni Mel.
Sa bandang huli ay nagbigay ng mensahe si Sheryn para sa kanyang mga supporters.
“Sa mga supporters ko, I’m gonna say, nothing has changed.”
“Ganito parin ako.”
“Nandyan si Sheryn.”
“Ang naalis lang ay ang maskara”, masayang pagtatapos ng singer.