Nasaan na ang mga suspects sa Christine Dacera case?

Makalipas ang isang taon ay kinumusta ng King of Talk na si Boy Abunda ang mga nasangkot sa Christine Dacera case.

Naging malaking kontrobersya ang kaso ni Christine, na nagsimula sa isang New Years Eve party noong December 31, 2020.

Humarap sina Gigo de Guzman, JP dela Serna, Clark Rapinan, Valentine Rosales at Rommel Galido kay Tito Boy para magbigay ng update sa kani kanilang mga buhay, isang taon ang makalipas. Kasama din nila ang kanilang legal counsel na si Atty. Teresita Marbibi.

Gigo de Guzman

Unang kinumusta ni Tito Boy si Gigo.

“What I would say is, I am doing my best to be ok.”

“I will not lie and say that everything is good, but I’m just taking it one step at a time.” Ayon pa kay Gigo.

“I lost a lot.”

“I lost not only my mom. Financially, I and my brother are not well off anymore.”

“We are thankful that we can eat every day but we lost a lot, financially.”

Binunyag din ni Gigo na sinubukan din niyang maghanap ng trabaho. Umabot daw sa halos 200 application letters ang kanyang ipinasa.

Credit: The Boy Abunda Talk Channel/Youtube

Palagi din daw siyang nakakatanggap ng rejections mula sa mga applications na iyon.

“I just took my friend to give me a job, so that I could earn something.”

Dagdag pa niya, “Our restaurant is about to be closed for unforeseen circumstances that are beyond our control.”

Kinuwento din ni Gigo na diagnosed siya with anxiety, depression at high blood pressure.

ibinenta din daw nilang magkapatid ang ibang paintings at alahas ng kanilang inang si Claire dela Fuente para lang may pambayad sa mga utang at para narin may panggastos sa araw araw.

Malungkot ding ibinalita ni Gigo na dahil sa sobrang kagipitan ay wala pa daw silang naipapagawang mausoleum para sa kanyang namayapang ina.

Napaluha naman siya ng maalala ang mga masasakit na sinabi ng mga bashers sa social media tungkol sa kanya.

“It’s painful to hear. You deserve this. Your mom died. Karma mo ‘to.” Emosyunal na kuwento ni Gigo.

Samantala, in a relationship naman ang status ng puso ni Gigo ngayon. Isa daw ang kanyang partner sa kasama niyang humaharap pagsubok sa buhay.

JP dela Serna

“So far, getting ok. On a daily basis Tito Boy, baby step para mag recover. Like now, I’m working ok.”

“Baby step ako para mag grow pa. Sa nangyari, I don’t dwell too much kasi it gives me stress. So ngayon, dini disregrad ko nalang siya.”

“My life must go on, whatever happens.” Sabi pa ni JP.

Credit: The Boy Abunda Talk Channel/Youtube

Hindi naman daw minamasama ni JP kapag tinatanong siya kung kumusta na siya.

“It’s very easy for me to open up. Kasi, the more I open it, the more na people are comfortable talking about the issue.”

“I can totally say na I’m strong enough to handle those things kasi nadaanan ko na yung hardest part.”

Kinuwento din ni JP na simula noong nangyari ang insidente ay inaatake na daw diumano siya ng anxiety at pangamba para sa kanyang kaligtasan.

Kaya naman hindi na niya binibigyan ng masamang pakahulugan kapag tinatanong ng iba kung kumusta na siya.

Hindi din daw niya pinapansin ang mga tumatawag sa kanila nang rapist, drug addict at killer sa social media.

“Tomorrow is not a promise. So as much as possible, I’m trying to enjoy my life.” Dagdag pa ni JP.

Wala rin daw diumano siyang sinisisi sa nangyari dahil naniniwala siya na parte ito ng kanyang kapalaran.

Clark Rapinan

“I’m ok, but I’m not yet that fine.”

Yan ang sagot ni Clark noong tinanong ni Tito Boy kung kumusta na siya.

“I’m lucky enough na makapag work pa din sa company namin.”

“Siguro yung mental state lang minsan kasi naaalala ko din.”

“Minsan naaalala ko pa din yung nangyari. Parang, yung iba kasi sa kanila (mga tao) naka move on na daw sila.”

“Pero may mga fragments pa din minsan.” Dagdag pa ni Clark.

Credit: The Boy Abunda Talk Channel/Youtube

Meron naman daw mga panahon na pinagsisihan niya ang pagpunta sa new years eve party ni Christine noong December 31, 2020.

“There are times na nag regret ako, pero accept ko naman talaga na things happen for a reason.”

Pagdating naman sa kanyang trabaho ay wala daw siyang naging problema dahil very supportive ang kanyang mga katrabaho.

Ang kanyang mga katrabaho pa daw mismo ang sumasagot sa mga bashers.

Tinanong naman ni Tito Boy si Clark kung nagalit ba siya sa nangyari.

“Yung feeling ko kasi Tito Boy yung blank. Pagod lang yung utak mo kakaisip na bakit ganito yung nangyari.”

“Matagal ako mag cope and I overthink a lot.”

“Hindi ko masabi kung galit ba ako or may bini blame ako.” Diin pa ni Clark.

Obey your parents naman ang sinagot ni Clark nang tinanong siya ni Tito Boy kung ano ang lesson na natutunan niya sa nangyari.

Valentine Rosales

“Surviving” naman daw si Valentine noong tinanong kung kumusta na siya.

“Parang, it’s a restart of what I built. My reputation since I was young, it was stained.”

“Now, I’m trying to start in a clean slate.”

“Yeah, surviving and trying to move on.” Dagdag pa ni Valentine.

Malungkot din niyang ibinalita na pumanaw na ang kanyang ama noong May 13 dahil sa stroke, ngunit hindi man lamang daw sila nagkaayos.

Ikinuwento ni Valentine na itinakwil siya ng kanyang ama nang malaman nito ang kanyang pagiging gay. Kaya naman siya kinupkop pansamantala ng pamilya ni Gigo habang wala pa itong matutuluyan.

“I have regrets.” Malungkot na sambit ni Valentine.

“Partly, I blamed myself.”

“Sana hindi nalang ako pumunta. Kasi andaming nag shift sa buhay ko.”

“I’ve lost friends. I lost my job. My reputation was stained.”

Credit: The Boy Abunda Talk Channel/Youtube

Tuluyan din daw nagbago ang takbo ng kanyang buhay dahil sa nangyari.

“Everything I do now, all eyes is on me. I cannot do what I used to do before.”

Ibinahagi din ni Valentine ang kanyang natutunan sa nangyari.

“I have learned yung kasabihan na a friend to many, is a friend to none.”

“They’re just there pag masaya. Pero pag ganitong may hardships na, iiwan ka na nila.”

Dahil sa Dacera case ay hinusgahan daw siya ng mga inaakala niyang kaibigan.

“Hinayaan ko daw mamatay yung friend ko. Hindi ko daw inalagaan.”

“Pero they didn’t see naman sa CCTV how I did my best to take care of her. Alagaan siya.”

“Kahit lasing siya, binubuhat ko siya. Pinapainum ko siya ng tubig.”

May mensahe naman si Valentine sa kanyang mga bashers.

“Wala akong paki kasi I do not know them personally. Hindi nila ako nakikita in person. Hanggang salita lang sila. So, bakit ako maaapektuhan sa inyo? Hindi ko nga kayo kilala eh.”

Sa ngayon ay nakabalik na si Valentine sa kanilang bahay at may bago na rin daw siyang trabaho.

Rommel Galido

Sinusubukan naman daw diumano ni Rommel na mas maging ok pa.

Kinuwento din niya na sa Iloilo siya nag celebrate ng Christmas kasama ang kanyang pamilya.

Ayon pa kay Rommel, “First time ko ulit makauwi after noong nangyari. So, masaya ako na nakita ko ulit yung family ko.”

Pero nang tinanong siya ni Tito Boy kung nagsisisi ba siya sa pagdalo sa party noong December 31, 2020 ay kinumpirma niyang malaki nga ang kanyang pagsisisi.

“Supposed to be nasa ibang party ako with cabin crew. Nasa mall kami. Dapat kumakain kami sa labas.”

“Di mawala wala sa akin yung sisi kung bakit sumunod ako dun. Bakit ako umoo kay Tin na pumunta dun sa New Years eve na yun.”

Credit: The Boy Abunda Talk Channel/Youtube

Dahil din daw sa nangyari ay maraming kaibigan ang umiwas sa kanya.

“Akala nila na pabaya kaming kaibigan. Na wala kaming kwenta. Na pag yung isa lasing, pababayaan lang namin.” Paliwanag ni Rommel.

Araw-araw din daw nakatanggap si Rommel ng mga masasakit na mensahe mula sa mga bashers.

“Bilang isang anak ng dating pulis, masakit yun kasi maayos ang pagpapalaki ng dad ko. Never kaming magkakapatid nagkaroon ng record na nag drugs kami o nakipag rambulan kami.”

“Never kaming nagkaroon ng ganung record sa province namin. Ngayon lang. Kahit hindi naman totoo.”

Sinisi din daw ni Rommel ang kanyang sarili sa nangyari.

“Bakit ko ba sinira ang pangalan ng dad ko?” Saad pa niya.

Pero sa ngayon daw ay ok na sila ng kanyang pamilya.

Ibinalita din ni Rommel na nakabalik na siya sa kaniyang trabaho.

Status of the Christine Dacera case

Tuloy tuloy parin daw ang kaso ayon sa legal counsel ng lima na si Atty. Teresita Marbibi.

“Hindi parin sila tapos. Kasi kahit sila nananalo, there is an appeal to the Department of Justice.”

Pinaalalahanan naman daw ni Atty. Marbibi na kahit sino man ang manalo sa kaso ay hindi parin matatapos ang problema.

Ito ay dahil sa merong isang kampo na aapila sa kaso at pwedeng itong umabot hanggang sa Supreme Court.

Credit: The Boy Abunda Talk Channel/Youtube

Dagdag pa ni Atty Marbibi na mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng kaso.

Ang tanging paraan lamang daw para matapos ito ay kung magkakasundo at magkaka patawaran ang magkabilang kampo.

“I advise them that it’s better to have a compromise or go to a mediation.”

“Just forgive and forget it.” Ayon pa sa abogado.

Samantala, bukas naman daw ang lima na makipag usap sa pamilya Dacera para ayusin ang kaso.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.