Jomari Yllana at Aby Viduya, inakusahan ni Anjo Yllana na nagnakaw ng kanyang pera para sa kampanya

Tinukoy na ni Anjo Yllana ang malapit sa kanya na nagnakaw diumano ng kanyang campaign funds na dapat gagamitin sa kanyang kandidatura sa 4th District ng Cam Sur.

December 30, 2021 ay na interview ng DZRH si Anjo.

Nabanggit niya sa panayam na ito ang “mag jowang” nagbulsa diumano ng bahagi ng pera na dapat ay gagamitin niya sa pangangampanya.

Credit: Abby Viduya/Facebook

Ngunit ayaw pa niya noong sabihin kung sino sila.

Ito raw ang kadahilanan kung bakit umatras si Anjo sa kanyang pagtakbo sa kanilang distrito.

Sa kanyang Facebook post naman noong January 1, 2022 ay naglabas si Anjo ng napakahabang post. Dito ay binanggit niya nang diretsahan at pinangalanan ang “mag jowang” tinutukoy niya.

Diumano ay ibinulsa ng mga ito ang perang ibinigay ng kanyang sponsor na gagamitin sana sa kanyang kandidatura.

Ang tinutukoy ni Anjo na magka relasyon ay sina Jomari Yllana at dating seksi star na si Abby Viduya.

Nakababatang kapatid ni Jomari si Anjo na muli ay tumatakbong konsehal sa unang distrito ng Parañaque City.

Nag post sa Facebook si Anjo ng larawan nilang mag anak na kuha noong January 1, 2021, kung saan kasama sina Abby at Jomari.

Credit: Anjo Yllana/Facebook

Idinamay naman ni Anjo sa kanyang post ang dating partner ni Jomari, pati narin ang dating asawa ni Abby.

Ayon pa sa Facebook post ni Anjo, “I have decided to talk to my lawyer and file a case against Jose Mari Yllana and Abby Viduya who mislead me and stole my campaign funds.”

“Ayoko na sana but the way he treats his children bothers me.”

“The way the girl left her husband, I am sure cases from both the mother of the kids and husband will also be filed.”

Dagdag pa ni Anjo ay mas lalo pa daw lumala ang issue dahil pinaniwalaan ng kanyang ina at mga kapatid ang mga sinabi ni Jomari.

Kaya naman sa kanyang Facebook post ay hinamon ni Anjo ang kapatid na magpa lie detector test silang tatlo ni Abby sa Camp Crame.

Hinamon daw ni Anjo na magpa lie detector test silang tatlo para mapatunayan sa kanyang ina na nagsasabi siya ng totoo.

Dagdag pa ni Anjo na kung hindi naman guilty sina Jomari at Abby ay papayag sila sa binabalak nito.

Ginagawa din daw ito ni Anjo para sa kanyang mga anak.

Ang kanyang anak daw na si Andee Yllana ang kumumbinsi sa kanya na ituloy ang kaso laban kay Jomari at Abby dahil nakita diumano ng anak ang hirap niya sa pangangampanya.

Samantala, kinabukasan ay binura naman ni Anjo ang kanyang post at nag iwan ng mensaheng, “I am tired of ranting here. I will just see you when I see you.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.