Kris Aquino hiniwalayan ang fianće na si Mel Sarmiento

Ginulat ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang mundo ng showbiz nang mag post ito ng screenshots ng mensahe ng kanyang dating kasintahan na si Mel Sarmiento.

Kinumpirma nga ni Kris sa kanyang post na hiwalay na sila ni Mel.

Tumagal ng halos limang buwan ang kanilang relasyon na nauwi pa sa engagement.

Ang health conditions ni Kris ang pinag ugatan ng kanilang paghihiwalay.

Ayon pa sa unang bahagi ng kanyang post, “I want to spare myself and my loved ones from further rumors and speculation.”

“My health has continued to deteriorate, and I will soon fly abroad for further diagnostics tests and if needed, do all the treatments and procedures to help address my drastic weight loss (I now weigh 88 lbs/40 kilos) and if still possible, strengthen my immunity.”

“From last quarter of 2018, I’ve long known that my autoimmune conditions could only be treated BUT never cured.” Ayon pa kay Kris.

Credit: krisaquino/Instagram

Tanggap din daw diumano ni Kris ang mga kumplikasyon sa pagkakaroon niya ng ganitong kondisyon.

“I have accepted the TRUTH, many complications from having autoimmune may arise, especially because I am immunocompromised and we have been forced to live with a nearly 2 year worldwide pandemic.” Paliwanag pa niya.

Credit: krisaquino/Instagram

Dagdag pa ni Kris, “My faith in God has taught me I must completely surrender all, to His will and His timing.”

Nag post din si Kris na kanyang mga kuhang larawan habang kinukunan ng dugo. Mapapansin sa mga larawang ito ang malubhang pagpayat ng aktres.

Ang huling mensahe ni Mel kay Kris

Ibinahagi naman ni Kris ang screenshots ng naging sagot ni Mel sa kanyang hiling na pakikipaghiwalay.

Sabi pa ni Kris, “Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag usapan ang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months and 16 days, I must end this chapter.”

Ito na rin daw ang una at huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa dating kasintahan.

“I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that, you will never read nor hear anything at all about him from me, because I want to preserve whatever dignity I have left.

Isang mahabang mensahe ang naging reply ni Mel kay Kris.

Paliwanag ni Mel, “I’m worried about your situation and what you’ve texted me. I did pack up, bringing with me clothes up to the 4th of January where we are supposed to have our RT-PCR test. But I came to realize that I might further put you at risk given that I went to the mall the other day to buy a phone and went out again yesterday for a haircut.”

Credit: krisaquino/Instagram

Sa sumunod na paliwang ni Mel ay inamin niya na nagkaroon na siya ng bubble fatique at hindi na niya kayang ipagpatuloy na manirahan sa isang bubble.

“Given my nature who loves to go out, I accept the fact that I already have bubble fatigue and I will not be able, sad to say, be able to continue living in a bubble.”

Kaya naman, tinatanggap daw diumano ni Mel ang hiling ni Kris na makipag hiwalay.

“On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you brought about my going out of the bubble.”

Credit: krisaquino/Instagram

Sa huli ay sinabi ni Mel na magiging parte ng kanyang buhay si Kris at aalalahanin nito ang kanilang matamis na nakaraan.

Ayon pa sa kanya, “I will always cherish in my heart the happy moments we had together. I do love you, but I guess this is goodbye for your life is of greatest importance given that you have Bimby and Josh to take care of. You will forever be in my heart.”

Credit: krisaquino/Instagram

Nasayang na engagement

Si Mel ay dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (September 2015-July2016) sa ilalim nng administrasyon nang kuya ni Kris na si dating President Noynoy Aquino.

Juy 24, 2021 nang opisyal na maging magkarelasyon sina Kris at Mel.

Naging mas maingay pa ang kanilang relasyon nang i announce ng dalawa ang kanilang engagement noong October 24, 2021 sa Instagram account ni Kris.

Kitang kita naman sa mukha ni Kris ang excitement na maikasal nang tuluyan kay Mel.

Ipinangako naman ni Kris na iri respeto niya ang relasyon nila ni Mel, kaya naman sinabi niya na kaunti lang ang mga posts na gagawin niya tungkol sa kanilang dalawa.

Sa hiwalayan nila ni Mel ay naantala ang inaakala ni Kris na “match made in heaven” na love story nila.

Tila sayang nga ang naging 5 month relationship ng dalawa dahil boto pa naman sana ang pamilya ni Kris kay Mel, lalong lalo na ang mga anak nito na si Bimby at Josh.

Outpouring of love and support

Bumuhos naman ang suporta sa social media ng mga kaibigan at tagahanga ni Kris.

Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe.

Credit: krisaquino/Instagram
Credit: krisaquino/Instagram
Credit: krisaquino/Instagram
Credit: krisaquino/Instagram
Credit: krisaquino/Instagram
Credit: krisaquino/Instagram
Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.