Tinuldukan na ng dating housemates ng PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition na sina Alexa Ilacad at Brenda Mage ang issue nilang dalawa.
Nagkaroon kasi ng reunion ang mga dating housemates ng Bahay ni Kuya at dumalo nga doon sina Brenda at Alexa.
Ito ay naging live sa Kumu, isang streaming app.
Sentro ng nasabing reunion ang namuong samaan ng loob sa pagitan nilang dalawa dahil sa iisang lalaki, si Eian Rances.
Panimulang tanong ni Melai Cantiveros kay Brenda, “Nagselos ka kina Eian at Alexa. Pwede mo bang i clear out ito? Paano ninyo na solve ito?”
Sagot ni Brenda, “Hindi ko po alam kung solve na. Pero kanina po nagyakapan kami ni Alexa and I said sorry.”

Ibinahagi din ni Brenda na nagpatulong siya kay Eian para maayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa ni Alexa.
“Nagpatulong ako kay Eian. Ang sabi ko please Eian, sana ikaw ang maging way.”
“Sa totoo lang, ikaw din ang dahilan kung bakit ako naging ganito.” Ayon pa kay Brenda.
Hindi na daw nag dalawang isip si Brenda na kausapin si Alexa dahil na realize niya kung gaano kalaki ang impact ng kanyang ginawa sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Sa totoo lang, lahat naman kami Marites diyan. Taas ang kamay ng hindi.” Prangkang tugon ni Brenda.
Ang galit ng netizens kay Brenda Mage
Marami sa mga netizens ang nagalit kay Brenda dahil sa pagiging Marites daw nito. Puna pa ng iba, ay bakit hindi nalang kausapin ng harapan si Alexa kaysa pinag uusapan ito ng patalikod?
“Kaya hindi ko sinabi kay Alexa ng harapan kasi wala naman talaga kaming issue na dalawa.”
“Kaya si Alexa naging puno’t dulo ng pinag uusapan namin ni Eian dahil noong una, alam ng mga housemates na ako talaga yung bridge nilang dalawa. Kasi alam ko na crush ni Eian si Alexa”

Kwento pa ni Brenda, noong sinabi diumano ni Eian sa kanya na hindi sila “same page” ni Alexa ay itinigil na daw niya ang pagiging tulay sa dalawa.
Pakiramdam naman ni Brenda ay iniwan siya sa ere ni Eian ng makipag ayos ito kay Alexa at inilihim ito sa kanya.
Simula daw noon ay iniwasan na siya ng binata.
Dagdag pa ni Brenda, “Paano ko mari redeem ang sarili ko eh huli mo (Eian) na akong sinabihan? Kung alam ko lang na ok na pala kayo, sana hindi na ako nag Marites, Marites…nagsabi ng ganun!”
“I forgive but that doesn’t mean I forget”
“Wala akong idea.” Pag amin naman ni Alexa.
“During that time na I heard Brenda crying, I didn’t understand. So I went to the ladies’ bedroom and I asked them kung dahil ba sa akin yun.”
“I had no idea at all.” Ayon pa kay Alexa.
SInabi naman daw ng kanyang mga kasama na hindi siya ang dahilan kung bakit umiiyak si Brenda kaya dinedma niya nalang ito.

Tinanong din ni Melai si Alexa kung kumusta na ang puso niya dahil sa issue?
Sagot ng dalaga, “When I saw na madami ang nagalit kay Brenda at Eian, I felt guilty din in a way.”
Binunyag din ni Alexa na nag text sa kanya si Brenda pero hindi ito nag reply.
“Hindi ako nagreply kasi sabi ko, yayakapin ko nalang siya bigla para mabigla narin lang siya.” Tugon ni Alexa.
Dagdag pa niya, “I forgive but that doesn’t mean I forget.”
Natuto na raw si Alexa sa nangyari at alam na niya ngayon kung papaano bantayan ang kanyang puso. Gusto rin daw niyang mapalibutan ng mga mabubuting tao.
Alexa to Brenda: “You still kept talking kahit evicted na kami”
Naging emosyunal naman si Brenda sa sinabi ni Alexa. Pero tila halata na hindi parin siya maka move on sa ginawa ni Eian sa kanya.
“Bakit naman ganun Eian na noong naging ok na kayo ni Alexa, ako naman yung naiwan sa ere? Ang sama ko namang tao.”
Dagdag pa ni Brenda, “Minahal ko si Eian bilang kaibigan. Siya lang talaga yung tumanggap sa akin sa mga lalaki sa loob ng bahay. Hindi niya ako tinuring na iba kahit pangit akong bakla. Tinuring talaga niya akong kaibigan.”
Kaya nasaktan daw talaga siya noong binitawan siya ni Eian.

Nagpahayag naman ng pagka dismaya si Alexa kay Brenda dahil sa inasal nito matapos silang ma evict ni Eian.
“Hindi lang kasi yung issues with Eian yung mga narinig ng taumbayan. Kahit evicted na kami pati si EIan, you still kept talking. So I think that’s what you also need to explain para sa mga tao. Kasi talagang nagalit sila.”
Ang tinutukoy ni Alexa ay ang sinabi ni Brenda na wala siyang ambag sa loob nga bahay.
Nagpaliwanag naman si Brenda na ibinase lang niya ang kanyang opinyon sa mismong araw na ginawa ang task. Bumawi naman ito at sinabing malaki ang ambag ni Alexa dahil isa siya sa mga bumubuo ng musika sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa huli ay humingi rin ng tawad si Brenda kay Alexa.