Tuluyan na ngang ibinaon sa limot ng mga dating housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition na sina Madam Inutz at Chie Filomeno ang kanilang tampuhan.
Nag post kasi si Madam Inutz ng larawan nilang dalawa ni Chie sa kanyang FB page.
Ang larawan ay may caption na “ANG MAMA-BENTANG LIVE SELLER NG CAVITE X ANG CALENDAR VIXEN NG ANTIPOLO….OOOW JIIIIEVA?”
Maaalala na naging mainit ang huling harapan ng dalawa noong Big Celebrity Final 5 Tell All.
Prinangka kasi ni Chie si Madam Inutz kung bakit sinabihan siya nito na ganda lang ang ambag niya sa loob ng Bahay ni Kuya.
Tanong pa ni Chie, “Madam magkasama tayo araw araw. Gusto ko lang malaman kung bakit nasabi mo na puro ganda lang ang ambag ko sa Bahay ni Kuya? Alam natin na I gave my all sa mga tasks. May time na naipanalo namin ni Eian yung task na yun, kahit puro ka mamaya na yan, madali lang yan. Alam ko na isa ka sa dahilan kung bakit tayo na rattle sa task na yun. So saan nanggagaling na ganda lang ang ambag ko?”
Tila natawa naman si Madam Inutz sa tanong ni Chie.

Sagot pa niya, “That time Chie, as in yung…kumbaga nasa akin pa yung gulat moment. Hindi ko talaga alam kung sino yung i vote ko. Sa ganda, kaseksihan, kumbaga lahat ng magiging offer sa labas ng Bahay ni Kuya is nasa inyo na.”
“Kaya nga sinabi ko, si Chie. Kasi alam ko na ganda lang ang ambag niya at alam ko magiging maganda ang buhay niya sa labas.” Dagdag pa niya.
Tila nagpaliwanag din si Madam Inutz na nasabi niya lang yun dahil hindi niya alam kung ano ang magiging rason niya para iboto si Chie.
Ayon pa sa kanya, “Kumbaga…ano ba naman ako diba? Hindi naman ako ganun kaganda. Hindi naman ako ganun kaseksi. Lalong lalo na yung edad ko.”
“Ikaw ang binoto ko noon kasi ang nakikita ko lang is yung pagmi make up mo. Tapos yung puro paganda lang talaga. Syempre wala na akong masabi eh. Kumbaga kapag nasa loob tayo ng confession alam mo na minsan nawawala tayo sa sarili.” Pagtatapos ni Madam Inutz.
Samantala, naungusan nina Alyssa Valdez at Anji Salvacion si Madam Inutz at ang iba pang housemates na makapasok sa top 2.