Last weekend ay pansamantalang lumabas ng PBB house ang “Singing Sweetheart ng Siargao” na si Anji Salvacion at ang “Heartstrong Phenom ng Batangas” na si Alyssa Valdez.
Pumasok din ang sampung adult housemates sa Bahay ni Kuya na may mga panibagong pagkatao at bagong kwento na magbibigay buhay sa pinaka bagong kabanata ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Samantala, ang celebrity housemates naman ang may engrandeng comeback kanina sa ASAP Natin ‘To stage.
Present sa performance sina Shanaia Gomez, Chie Filomeno, Albie Casiño, John Adajar, Karen Bordador, Benedix Ramos, Jordan Andrews, KD Estrada, Alexa Ilacad, Eian Rances, Brenda Mage, Samantha Bernardo, Madam Inutz, Anji at Alyssa.

Hindi naman nakadalo sina TJ Valderrama at Kyle Echarri.
Kinanta nila ang “Kapit Bisig” na sinulat ni Alexa.
Pagkatapos ng kanilang comeback performance ay tinanong ng mga hosts na sina Robi Domingo at Janine Gutierrez kung ano ang pakiramdam na nandito na sila sa outside world.
“Hey world I’m so ready.” Excited na tugon ni Anji.

Sagot naman ni Alyssa, “Pero ako napakasaya ko na makabalik sa outside world. Lalong lalo na na sinalubong kami ng mga iba pang housemates. So I’m so happy and talagang we’re ready for 2022.”
Halos labing isang linggo na nanatili sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga celebrity housemates kaya naman muli nilang binalikan ang mga most memorable moments nila sa loob ng bahay at ang mga aral na dinala nila sa labas.
Ayon pa kay Alyssa, “Siguro yung isa sa babaunin ko, ay noong tinuruan kami ni Kuya na yung kakulangan namin, yung mga weakness namin, yun din yung makakabuo sa pagkatao namin.”

Biniro naman ni Robi si Alyssa na buong buo din yung pagkanta niya sa ASAP Natin ‘To stage.
Para naman kay Anji ay ang pagmamahal na natutunan niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang baon niya ngayon dito sa outside world.
Balak niya rin daw na ibahagi ito sa iba.
Controversy inside the PBB House
Pinag usapan ng husto si Anji dahil sa masalimuot na love story nila ni KD noong nasa loob pa sila ng bahay. Naging open kasi si KD sa kanyang paghanga kay Anji.
Pero sinabi ng dalaga na hindi pa siya handa para sa anumang relasyon dahil sa nirerespeto niya ang kanyang pamilya.
Samu’t sari rin ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol dito.

Dumami din ang mga taong humanga sa kanya dahil sa kanyang pagbahagi na matagal na niyang hinahanap ang kanyang ama.
Pinag usapan din sa loob ng Bahay ni Kuya si TJ Valderrama at ang alegasyon ng sexual harassment laban sa kanya.
Noong November 20, 2021 ay ay kumalat sa social media ang hashtag na #FORCEEVICTTJ dahil sa pagkalat NG mga videos at screenshots nang diumanoy inappropriate na titig, pagyakap at paghawak ni TJ sa baywang ni Shanaia.

Pinabulaanan naman ng mga female housemates ang nasabing alegasyon at sinabing wala silang naramdaman at nakitang hindi kanais nais sa mga galaw ni TJ.
Hindi rin makakalimutan ang issue sa pagitan nina Alexa, Eian at Brenda.
Nagkaroon kasi ng hindi pagkakaunawaan sina Alexa at Brenda dahil kay Eian.
Binansagan ng mga netizens si Brenda na “Marites” dahil sa sunod sunod na patalikod na pag atake nito kay Alexa at Eian.
Samantalang si Eian ay tinawag namang “user” ng mga netizens dahil sa pabago bagong pagtrato nito kay Alexa.

Nagkaayos naman ang tatlo nang magkaroon sila ng reunion sa KUMU para klaruhin ang lahat lahat ng mga issue.
Nagpaliwanag si Brenda na isang misunderstanding lamang daw ang lahat at wala siyang intensyon na saktan si Alexa.
Itinanggi din niya na may gusto siya kay Eian. Kaibigan lamang daw ang tingin niya rito.
Humingi narin ng tawad si Brenda kay Alexa.
Tinanggap naman ni Alexa ang paghingi ng tawad ni Brenda pero sinabing, “I can forgive but I will not forget.”