Hindi napigilan ni Andrea Brillantes na patulan ang isang netizen matapos mag comment sa kanyang viral video sa Tiktok.
As of this writing, ay meron nang 1.8 million likes, 66 thousand comments at 46 thousand shares ang nasabing video.
Makikita sa inupload na Tiktok video ni Andrea na tila bagong gising siya habang nili-lip sync ang kanta ni Selena Gomez na Lose You To Love Me.
Tila lumalabas na ipinost ni Andrea ang video na ito matapos kumalat at pinag usapan sa social media ang larawan ng kanyang dating ka loveteam na si Seth Fedelin, kasama si Francine Diaz at ang kanyang pamilya.

Lumikha rin ng ingay sa social media ang pag unfollow nina Andrea at Francine sa isa’t isa sa Instagram.
Kaya naman, mas lalong tumindi ang duda ng mga fans na may namumuong hidwaan sa dalawang bida ng seryeng Huwag Kang Mangamba.
Samantala, napukaw naman ang atensyon ni Andrea sa isang netizen na hindi napigilang mag comment sa kanyang Tiktok video.
Ayon pa sa netizen: “Usap muna bago drama sis.”
Hindi naman pinalampas ni Andrea ang nasabing comment.
Matapang na reply ni Andrea, “Ikaw na chismosa ka, wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako na d-drama. Yan ang problema sa inyong mga chismosa eh!”

Burado na ang nasabing comment na ito ni Andrea.
Inaabangan naman ng mga fans ang parehong statements nina Andrea, Francine at Seth tungkol sa isyu.