Ivana Alawi nagpositibo sa COVID

“Meron akong COVID!”

Yan ang malungkot na pag amin ng sikat na vlogger na si Ivana Alawi.

Kung dati ay lagi nating nakikita na energetic at masayahin si Ivana sa kanyang mga vlogs, ngayon naman ay nakakapanibago.

“Hindi ko alam kung papaano ko i-start ‘tong vlog na ‘to.” Matamlay na panimula ni Ivana.

“Usually, mga ginagawa kong content…gusto ko nagpapasaya. Gusto ko na, nakakataba ng puso, nakakagaan ng loob.”

Mapapansin na habang nagsasalita si Ivana ay maya’t maya ang pag ubo nito.

“We are not in a good position. Wala ako sa lugar na kaya kong magpasaya ngayon. Kasi ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon sa buhay.”

“Pero syempre dahil part kayo ng family namin, dapat alam nyo rin yung mga nangyayari.” Pag amin ng dalaga.

Matagal tagal din na hindi nakapagpost sa kanyang social media si Ivana.

Noong January 9 naman ay nag post siya nang; “Hindi ako natutuwa sa 2022!”

Credit: Ivana Alawi/Youtube

Ikinuwento ni Ivana na naging maingat sila ng kanyang pamilya na huwag mahawaan ng COVID.

Pero kahit bakunado na sila at todo ingat ay nahawaan parin sila.

“Ever since lumabas ‘tong virus na ‘to, sobrang maingat ako. Lagi akong nag-a-isolate kapag lumalabas, kapag may trabaho.”

Ikinuwento din ni Ivana na dahil sa sobrang busy niya sa trabaho minsan ay nagpapa swab test siya tatlong beses sa isang araw. Lagi naman daw negative ang resulta ng mga ito.

Kaya naman nang nag positive si Ivana sa COVID ay hindi siya makapaniwala dahil alam niyang nag iingat naman siya palagi.

“So itong 2022, first time kong mag positive sa buhay ko! Nagulat ako kasi feeling ko maingat ako.”

“Naka vaccine na kami!”

Dagdag pa ni Ivana, “Hindi ako lumalabas ng bahay. Kunwari may kailangan ako sa mall, ang pumupunta dun ang driver namin.”

At kahit inggit na inggit siya sa mga kaibigan niyang gumigimik ay pinigilan niya parin ang sarili niya na lumabas dahil takot siyang magka COVID.

Pero sabi niya, kahit anong ingat niya ay nahawaan parin siya ng sakit.

“Walang dapat sisihin dito…”

Ikinuwento din niya na ang kanyang ina ang unang dinapuan ng sakit.

Negative ang resulta nang dalawa nitong RT PCR test.

Ngunit kahit negative na ay ipinilit parin daw nito na talagang masama ang kanyang pakiramdam. Kaya naman, nag antigen test daw ito at doon na nga nalamang postive ito sa sakit na COVID.

Hiwalay na naka isolate ang ina ni Ivana sa kanila.

Credit: Ivana Alawi/Youtube

Samantala, nang malaman nila ang resulta ng ina ay nag RT PCR test at nag isolate narin silang magkakapatid.

“You have to take responsibility at you have to take accountability.” Ayon pa kay Ivana.

“So if you are exposed or if you are not feeling well, huwag ka nang lumabas!”

Dalawang araw daw diumano matapos sabihin na negative ang kanyang resulta ay nag umpisa ng magkaroon ng mga sintomas si Ivana.

Kaya nagpa test siya ulit at doon na nga nalaman na positive siya sa COVID.

“Nagulat ako, kasi biglang positive eh!”

“Alam mo yung sa utak mo, negative ka na sa PCR two days ago. Pero ang bilis talaga ng COVID variant na ‘to na kumalat!” Paliwanag pa ng dalaga.

Ipinagdasal naman daw ni Ivana na sana ay hindi magpositive sa COVID ang kapatid niyang si Mona.

“Lord kung bibigyan mo kami ng COVID, ok lang na ako nalang. Huwag lang si Mona, kasi hindi na niya kaya. Andami na niyang sakit.” Emosyonal na kwento ni Ivana.

Kaya anlaki ng pasasalamat niya ng mag negative ang resulta ni Mona at ng kanyang ate.

Credit: Ivana Alawi/Youtube

Pero hindi nakaligtas ang lalaking kapatid nito na si Hash, kaya naka isolate din ito.

Pero wala nman daw dapat sisishin sa nangyari dahil naging responsable naman sila sa pagsunod sa mga health protocols.

May payo naman si Ivana sa mga taong matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa mga health protocols.

“Please be safe. Wear your mask.”

“No one is above the law, tandaan nyo yan. Kahit sino ka man, kung hindi ka law, hindi ka pwedeng mag inarte at hindi ka pwedeng mag break ng law!”

Sa huli ay nagpapasalamat parin si Ivana sa Panginoon dahil kahit papaano ay safe sila ng kanyang pamilya.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.