Kinabibiliban ngayon ng maraming netizens ang tunay at wagas na pagmamahalan ng showbiz couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing.
Magkatuwang kasi nilang hinarap at nilabanan ang sakit na COVID.
Magkasama na nag isolate ang dalawa at pinatunayang walang iwanan hanggang sa dulo.
Ilang araw din kasing pinaglabanan ng magkasintahang Jane at RK ang bagsik ng Corona virus.
Pareho silang nahawa ng nasabing virus at sabay na hinarap ito.
Sabay rin silang nagbibigay ng update sa kanilang mga social media accounts tungkol sa totoong lagay ng kanilang karamdaman.
Makikita naman sa mga ipinost na larawan ng dalawa na magkasama sila sa isolation at sweet na sweet sa isa’t isa habang nilalabanan ang sakit.

Makalipas ang isang araw ay isang magandang balita ang inihatid nina Jane at RK.
Noong January 11, 2022 kasi ay pinakita nilang dalawa ang parehong negative COVID test results nila.
Ayon pa kay Jane sa kanyang Instagram account, “How it’s been the past few days… but yay!!! Finally tested negative.”
Hindi rin nakalimot si Jane na magpaalala sa kanyang mga followers na maging maingat.
“How is everyone? Don’t forget to rest up, drink your vitamins, eat well and be kind to yourself. We got this! One step at a time. Stay strong and stay safe!!” Saad pa niya.
Makikita sa isa sa mga larawan na kasama sa mga ipinost ni Jane na magkayakap sila ni RK.

Halatang halata talaga na inaalagaan nila ang isa’t isa.
Ipinakita din sa mga larawan kung ano ang mga pinagkakaabalahan nilang dalawa habang nasa isolation.

Samantala, kaparehong mga larawan din ang makikita sa hiwalay na post ni RK sa kanyang Instagram account.
Ayon pa sa caption ng kanyang post, “Now that’s out of the way. Kamusta kayo? Just take it one day at a time and before you know it you’ll be good as new. Sending you all my love and prayers. Get well soon!”

Sa latest post naman ni RK noong January 14, 2022, ay ipakita niyang siya ay magaling na at fully recovered na mula sa sakit na COVID.
Nakabalik na muli siya sa kanyang pagba boxing.
Sabi pa ni RK sa caption, “Back from COVID!”
Dahil sa ginawang pagdadamayan nina Jane at RK sa gitna ng kanilang karamdaman ay marami ang napabilib at na inspire sa uri ng pagmamahalan na mayroon sila sa isa’t isa.
Samantala, dalawa lamang sina Jane at RK sa mga artistang tinamaan ng COVID 19 ngayong 2022.