Andrea Brillantes, sinugod si Francine Diaz?

Hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa dalawang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Mas lalo pa kasing umugong ang bulung bulungan sa apat na sulok ng showbiz na may hidwaan nga ang dalawa ng makita ang ka loveteam ni Andrea na si Seth Fedelin sa bahay ni Francine.

Ipinost kasi ni Francine ang family photo na kasama si Seth at nilagyan ng caption na: “Family is love.”

Mabilis naman na dinelete ni Francine ang nasabing larawan dahil pinag pyestahan nga ito ng mga netizens sa social media.

Ayon pa sa sikat na manunulat at vlogger na si Ogie Diaz, Kadenang Ginto days pa daw itong tensyon na namamagitan sa dalawa.

Pero dahil professional naman daw sila pagdating sa trabaho ay isinasantabi muna nila ang hindi pagkakaunawaan.

Sa katunayan ay meron silang kani kaniyang set of friends.

Ayon pa kay Ogie ay tila hango sa totoong buhay ang naging papel ng dalawang young stars sa Kadenang Ginto.

Si Francine ay totoong mabait daw at confirmed na maldita naman daw si Andrea.

Ayon pa sa source ni Ogie, ay nagkaroon daw muli ng hindi pagkakaunawaan sina Andrea at Francine noong ginagawa nila ang ABS CBN Christmas Special.

Inimbitahan daw kasi ng glam squad ni Francine si Seth na sumama sa group picture nila.

Kaya naman nagalit daw itong si Andrea dahil nakita nitong nagpa picture ang kanyang ka loveteam na si Seth sa grupo ni Francine.

Credit: francinediaz/Instagram

Sa galit ni Andrea ay sinugod daw nito si Francine sa dressing room.

Hindi naman malinaw kung ano ang sinabi ni Andrea kay Francine nang mga panahong iyon.

Dagdag pa ng source ni Ogie ay sobrang iniingatan ni Andrea ang loveteam nila ni Seth.

Kaya naman sa tingin niya ay hindi dapat nagpa picture si Seth kay Francine dahil ayaw niyang maguluhan ang mga fans nilang dalawa.

Hindi naman daw nagustuhan ni Seth ang ginawang pagsugod ni Andrea sa dressing room ni Francine kaya ito pumunta sa bahay ni Francine para humingi ng paumanhin.

Andrea Brillantes at Seth Fedelin, nagka relasyon?

Paano nga ba nabuo ang loveteam nila Andrea at Seth?

Kuwento pa ni Ogie, nabuo ito dahil crush ni Andrea si Daniel Padilla, kaya naman napag isipan ng ABS CBN na ipareha si Andrea kay Seth na tila hawig naman kay Daniel.

Pero ano nga ba ang pinanggalingan ng hidwaang Andrea at Francine?

Credit: blythe/Instagram

Bakit ganun na lamang ka tindi kung protektahan ni Andrea ang loveteam nila ni Seth?

Ayon sa source ni Ogie ay naging magka relasyon sina Andrea at Seth ng sobra sa dalawang taon. Nag umpisa daw diumano ang relasyon ng dalawa noong ginagawa pa nila ang Kadenang Ginto.

Pero dahil sa hindi malamang kadahilanan ay naghiwalay din ang dalawa.

Kaya ang concern na lamang ni Andrea ngayon ay pangalagaan ang kanilang loveteam.

Samantala, kamakailan lamang ay may inaway at sinabihan si Andrea na chismosa sa Tiktok.

Sinabihan kasi siya na: “Usap muna bago drama sis.”

Kaya naman nagreply si Andrea na: “Ikaw na chismosa ka, wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako na d-drama. Yan ang problema sa inyong mga chismosa eh!”

Marami naman sa mga netizens ang mas lalo pang naghinala na nagseselos nga si Andrea kay Francine dahil sa mga muling naglabasan na mga videos sa social media na tila ibang tinginan nina Seth at Francine.

Meron din silang video dati kung saan nadulas ang ka loveteam ni Francine na si Kyle Echarri at sinabing nobyo ni Francine si Seth.

Credit: francinediaz/Instagram

Sina Andrea, Seth, Francine at Kyle ang bumubuo sa Gold Squad ng ABS CBN.

Ang loveteam nina Francine at Kyle ay tinatawag Kycine.

Sethdrea naman ang tawag sa loveteam nina Seth at Andrea.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.