Ano ang sikreto ng tagumpay ni Alex Gonzaga sa Youtube?

Na interview ng TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano o Ate B si Alex Gonzaga sa kanyang vlog.

Excited na dinayo ni Ate B ang sikat na vlogger at Lunch Out Loud host sa taping nito sa Studio 72 sa Quezon City.

Ayon pa kay Ate B, “Ang napansin ko kasi kay Alex, kaya natin sa i-interview, sobra siyang nakakatawa. Nakita natin na iba-iba yung halo ng kanyang vlog eh.”

“Di ba pag nakikita mo siya sa vlog parang ang familiar mo na sa kanya? Parang nakikita mo na yung pagkatao niya.”

Na inspire daw si Ate B kay Alex kaya siya nagba vlog din.

Kaya gusto niyang humingi ng tips dito para magamit niya sa kanyang vlogging journey.

The pressure of making a content

Tinanong ni Ate B kung bakit sa tingin ni Alex ay pinapanood at sinusuportahan siya ng mga tao.

Sagot ni Alex, “Masayang panoorin. Nakakatuwa. Tsaka siguro, yung mga kasama ko, nakakatuwa rin silang panoorin. Kumpleto siya. May bata, may matanda, may tiktokerist, merong loveteam.”

Ang tinutukoy niyang loveteam ay ang asawa niyang si Mikee Morada.

Kuwento pa ni Alex na nag umpisa siyang impromptu ang lahat ng kanyang content.

Hangang hanga naman si Ate B kay Alex sa istilo nito sa pagba vlog.

Samantala, itinuturing na ni Alex na trabaho ang kanyang vlogging. Kaya minsan ay dumarating rin ang point na hindi na siya nag i enjoy sa kanyang ginagawa.

“Siyempre hindi mo maiiwasan na mapi pressure ka to make a content. Kung paano mo mapapasaya yung mga audience mo.”

Credit: Bernadette Sembrano/Youtube

Pero buti nalang daw at nandyan ang kaniyang pamilya at asawa na lage sa kanyang nagpapaalala na “it’s not about the numbers” at kung bakit niya ito ginagawa.

Tinanong din ni Ate B si Alex kung ano ang pakiramdam na ganun kadami ang kanyang subscribers at ganun siya ka influential sa social media.

“Hindi siya sukatan ng success for me. Kaya hindi ko siya ma isip na I’m very successful kasi hindi yun ang kinagisnan ko. Everything is new to me.” Prangkang sagot ni Alex.

Malaking tulong naman daw ang kanyang Daddy Bonoy, Ate Toni at asawang si Mikee sa pagbigay sa kanya ng reality check.

“Pagka magkasama kami ni Mikee, hindi ko naiisip na influencer ako, kasi kay Mikee lahat pantay pantay.”

“Maiisip mo na itong ginagawa natin is trabaho, it’s just work. It’s not a lifestyle. It’s not a status. It’s work. It’s like, you going to the office.”

Alex chooses things to share in her vlog

Ipinaliwanag naman ni Alex kung anong klaseng content sa palagay niya ang gustong pinapanood ng kanyang mga subscribers.

“Ang patok talaga is when you share your personal life. They watch your vlog because they want to see who you are. Yung authenticity mo.”

“When they watch your vlog, it means they really look for you. Curious sila kung ano ba talaga.”

Proud naman daw si Alex na marami pa rin siyang naitatago pagdating sa kanyang personal na buhay.

Credit: Bernadette Sembrano/Youtube

Natutunan niya na piliin lamang ang bahagi ng kanyang buhay na pwede at hindi pwedeng ipakita sa kanyang audience.

“May mga point na you will share and you will not share.”

Naikwento naman ni Alex kung bakit niya ibinahagi ang dalawa sa pinaka importanteng parte ng kanyang buhay. Una ay noong tinamaan siya ng COVID at pangalawa ay noong nagkaroon siya ng miscarriage.

“That’s why I made a video kasi hindi naman lahat ng tao naiintindihan yung ganung sitwasyon.”

Sambit pa ni Alex, “When you share a story o yung journey mo na masakit, pag sinabi mo siya, wala na siyang magiging power sa iyo.”

“Kasi pag kinikimkim mo siya, tapos pag na bring up siya, yun yung trigger moment mo.”

She is a proud vlogger

Naikuwento din ni Alex na dati ay hindi niya nagugustuhan ang personality na ipinapakita niya sa mga vlogs niya.

“Ngayon I’m proud na lahat ng ginagawa ko is ako na.”

“Kasi before, meron akong ginagawa na personality na hindi ako.”

Credit: Bernadette Sembrano/Youtube

Na realize daw ni Alex na ang dati niyang ipinapakita ay hindi siya kaya binago niya ito at nagpaka totoo na lamang siya sa kanyang sarili at sa kanyang mga taga panood.

“Ngayon atleast, lahat ng trabahong tinatanggap ko, ako. Naipapakita ko na kung sino ako.”

Iba naman daw ang pakiramdam ni Alex kapag nakakakita ng mga comments kung paano siya nakaka inspire sa mga nanonood sa kanya.

“Iba yung feeling niya. Naiisip ko na noong 5 years ago eh ito yung ginagawa ko ngayon.”

“You’re becoming a hope.” Pagtatapos pa ni Alex.

Share this article
Erie Swan