Ivana Alawi tinawagan ni Joshua Garcia, netizens kinilig

Hindi mapigilan ng mga netizens na kiligin sa phone call ni Joshua Garcia kay Ivana Alawi.

Si Joshua ang unang Kapamilya leading man na guest sa Truth or Dare series sa ABS CBN sa Kumu app. Layunin nito ang makalikom ng mga donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Sa tanong kung jojowain o totropahin ba niya si Ivana ay hindi na nagpaliguy ligoy pa si Joshua at sinabing jojowain niya ito.

“Jojowain. Syempre c’mon.”

“Choosy ka pa ba? I mean, mabait di ba? Maganda. Sexy.”

Natawa naman si Joshua ng mabanggit niya ang salitang “sexy”.

Pero biglang bumawi naman ang Kapamilya leading man at sinabing, “Hindi kasi lahat ng tao masasabi mong magka relasyon eh.”

“May parang nakatadhana sa ‘yo na para mami meet mo lang para maging kaibigan mo. Kasi hindi mo masasabi. Yun lang naman yung sa akin.”

Credit: ABS CBN Entertainment/Youtube

Naging exciting naman ang segment nang tumugon ito sa dare na tawagan si Ivana.

Tanong ni Joshua kay Ivana, “Tinatanong nila kung jojowain o totropahin mo daw ako?

“Secret” naman ang matipid na sagot ng sikat na vlogger na mas lalo pang nagpa kilig sa mga netizens.

“Pagaling ka bye”, ang sabi ni Joshua para putulin ang nakakakilig na tawag.

Nagkasakit ng COVID si Ivana at ang iba sa kanyang kapamilya.

Maaalalang sinabi ni Ivana na crush niya si Joshua sa isa mga Youtube vlogs nito.

Inamin naman ng Kapamilya actor na dati pa niyang ka chat si Ivana.

“Kasi naka chat ko na siya before. Pero chat lang. Walang malisya. Pero wala namang kahit ano. Textmate eh. Pero hindi kami nagka text ng matagal. Tawag. Mas tawag ako kesa text.”

Samantala, para mas lalo pang pakiligin ang mga netizens ay nagpaunlak naman si Joshua na makipagtitigan sa camera.

Kaya naman binaha ng mga kilig comments ang chat box ng Kumu app.

“Bakit ako kinikilig sa sarili ko?” Pabirong hirit ni Joshua.

Narito ang buong video ng Truth or Dare with Joshua Garcia.

Share this article
Erie Swan