Netizens muling kinilig kina Janine Gutierrez at Paulo Avelino

Hindi mapigilan ng mga netizens ang mag react ng mag post si Janine Gutierrez ng picture niya kasama si Paulo Avelino sa kanyang Instagram account.

Bihira nga kasing mag post ang dalaga ng larawan kasama ang aktor.

Dahil dito ay nagkagulo kaagad ang comments section ng Instagram account ni Janine ilang minuto bago niya ito mai post.

Nakasuot ng puting bridal gown si Janine. Samantalang si Paulo naman ay nakasuot ng white tuxedo.

View this post on Instagram

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Nag post din si Paulo ng kaparehong picture at nilagyan niya ito ng kwelang caption.

Ayon sa kanyang caption: “Isa lang excited. Last 3 days of MMMY.”

“Hirap magpa picture.” Yan naman ang cute na reply ni Janine sa post na ito ni Paulo.

Tila kuha ang larawan sa set ng pinagbibidahan nilang teleserye sa ABS CBN, ang Marry Me Marry You.

Samantala, hindi nga maipagkakaila na umaapaw ang chemistry ng dalawa.

Kaya naman bumaha ang mga nakakakilig at nakakatuwang comments mula sa mga netizens.

Credit: janinegutierrez/Instagram
Credit: janinegutierrez/Instagram
Credit: janinegutierrez/Instagram

Maaalala na ng tinanong si Paulo sa presscon nang Marry Me Marry You kung may chance bang maging sila ni Janine ay sinagot niya ito nang: “Si Janine lang naman po ang hinihintay.”

Credit: Starring Entertainment/Youtube

Hindi naman mapigilan ni Janine ang mag blush sa sinabing iyon ni Paulo.

Ang Marry Me Marry You ay mapapanood na lamang ng tatlong araw. Tumagal din ito ng halos limang buwan.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.