Angeline Quinto ibinahagi ang pagbabago sa katawan dala ng pagbubuntis

Isang kakaibang Angeline Quinto ang muling nasilayan ng mga netizens sa kanyang vlog ngayong araw.

Nagbahagi kasi siya ng mga nararanasan niyang pagbabago sa kanyang katawan simula nang malaman niyang siya ay nagdadalang tao.

“Nung nalaman ko na buntis ako, hindi ko naman agad napansin na merong nagbago sa akin. Actually sa totoo lang, hindi pa nga ako yung naka discover niyan.”

Ayon pa sa singer ay ang mga kasama pa nito sa bahay ang unang nakapansin sa mga pagbabago sa kanyang katawan.

Credit: Love Angeline Quinto/Youtube

Sabi pa ni Angeline, “Napansin ni Ate Irene na noong nakaraan, medyo umiitim daw yung leeg ko. Yan sa leeg, sa batok. Parang recently lang, napansin ko din yun tuwing naliligo ako.”

Tinanong daw diumano niya ang kanyang doktor kung normal lang ba ang pangingitim ng parte ng kanyang leeg at batok. Ipinaliwanag naman ng doktor na normal lang ito kaya hindi na siya nabahala pa.

“Pag lalaki daw yung anak mo, mas grabe daw yung pangingitim. Pag babae daw ang anak mo, mas blooming ka. Yun nga ang iniisip ko na sana pag nanganak ako eh sana ay bumalik sa dati. Pero sabi nila, wag daw akong mag alala dahil pag nanganak daw ako, unti unti naman daw babalik yung totoong kulay ko.” Sambit pa ng singer.

Napunta naman ang usapan sa kili kili ni Angeline. Marami daw kasi ang nagtatanong kung umitim daw ba ang kili kili nito. Pero tila nahiya naman si Angeline na ipakita ito sa mga netizens.

“Gusto ko mang ipakita sa inyo guys, wag nalang. Kasi gusto ko mang ipakita…ayan o…ayoko! Nahiya ako kasi hindi pa ako nakapag ahit. Saka nalang guys.” Natawang sambit ni Angeline.

Dagdag pa ni Angeline, “So yun, may mga ganun talagang pagbabago pala kapag nagbubuntis ang isang babae. Magugulat ka nalang isang araw andaming pagbabago sa katawan mo. Sa mood mo.”

Naging mas antukin din daw siya simula nang magbuntis.

Credit: Love Angeline Quinto/Youtube

“Sa totoo lang alam nyo mas antukin parin talaga ako. Ang nangyayari sa akin, ang aga aga kong nakakatulog. Siguro wala pa pong alas 9 o alas 8 ng gabi inaantok na ako. Gigising ako kinabukasan, siguro mga 6 o 7 am.”

Pagdating naman sa pagkain ay tila mas lalo daw naging matakaw si Angeline dahil sa palagi siyang gutom.

“Ang bilis bilis kong magutom. Kahit na tapos na ang paglilihi ko. Andami parin pong mga pagkain na gusto kong nakakain agad. Kakakain ko lang kanina ng lunch, wala pang 30 minutes gutom na naman ako.”

Kapag nagugutom si Angeline ay pumapapak pala kaagad ito ng Stick O.

Napansin din daw ni Angeline na lumaki ang size ng kanyang paa. Ayon sa kanya, lahat halos nang sapatos man o tsinelas niya ay halos hindi na magkasya sa paa niya. Pati din daw ang kanyang mga kamay at ilong ay biglang lumaki.

Naintindihan naman nito na dala nga kasi ito ng pamamanas kapag nagbubuntis ang isang babae.

Bumigat din daw ang hinaharap ni Angeline.

Credit: Love Angeline Quinto/Youtube

“Tapos guys, yung hinaharap ko medyo bumigat. Habang patagal ng patagal yung buwan ng pagbubuntis ko, nagiging mas masakit. Nagiging mabigat lalo. Tapos parang napaka sensitive din niya. Kaya minsan ayoko nalang mag bra kasi matamaan lang ng bra parang ang sakit sakit. Parang mahapdi siya na hindi mo maintindihan.”

Ipinaliwanag naman ng singer na dahil nga ito sa unti unting naiipon na gatas sa kanyang dibdib.

Madalas din daw siyang naiihi sa gabi.

“Ihi ako ng ihi. Ewan ko ba. Siguro dahil din sa lakas kong uminom ng tubig. Dahil sabi nila pag buntis ka, dapat malakas kang uminom ng tubig para hindi ka nadi dehydrate.”

Mas gusto naman daw ni Angeline na kumikilos kahit hirap ito sa paggalaw para kahit papaano ay makapag exercise kahit siya ay nagbubuntis.

Isa naman sa pinaka masarap na pakiramdam ay kapag nararandaman niya ang paggalaw ng kanyang baby sa loob ng kanyang tiyan.

“Sobra akong natutuwa, kasi syempre atleast sa ganung paraan mas nakikita ko nanagiging healthy talaga yung baby ko sa sa loob ng sinapupunan ko.” Ayon pa sa kanya.

Samantala, si Angeline ay mainstay ng ABS CBN variety show na ASAP Natin ‘to tuwing linggo.

Share this article
Erie Swan