Hindi mapigilan ng ibang umiidolo kay Julia Barretto na ikumpara ito kay Ivana Alawi. Marami sa kanila ang nagsasabing malayong malayo si Julia kay Ivana at hindi sila magka level.
Nag ugat ang pangba bash kay Ivana ng sinabi ni Joshua Garcia na jojowain niya si Ivana, ng matanong ito sa Truth or Dare livestream ng ABS CBN.
Ayon pa kay Joshua, “Jojowain. Syempre c’mon. Choosy ka pa ba? I mean, mabait di ba? Maganda. Sexy.”
Inamin din ni Joshua na dati na niyang naka chat si Ivana.
Naging magkarelasyon naman sina Julia at Joshua pero nagkahiwalay din dahil naman kay Gerald Anderson.

Ngunit tila nakahanap ng kakampi si Ivana sa katauhan ni Cristy Fermin. Sa Cristy Ferminute vlog nito noong January 21 ay ipinagtanggol ng kolumnista si Ivana.
Sabi pa ni Cristy, “Eh talagang malayo. Sa boobey palang eh talagang pagkalayo layo na nilang dalawa. Di ba? Isang pritong itlog, isang malaking itlog. Ganun lang ang pagkukumpara. O sa katawan na katawan nalang. Ang hubog ng katawan ni Ivana Alawi ay ang pinapangarap ng mga kalalakihan. Eh si Julia mukhang number one. Diretso. Magpakatotoo na tayo.”
“Pipintas pintas kayo kay Ivana, sana tingnan nyo muna. Hindi daw bagay? Napakalayo daw ni Julia kay Ivana? Talagang napakalayo. Kilometriko ang agwat.”
Idiniin din ni Cristy ang pagkakaroon ng relasyon ni Julia kay Gerald habang sila pa ni Joshua, kaya wala raw karapatan ang mga fans ni Julia na ikumpara ito kay Ivana.
“Hindi naman si Joshua ang nangaliwa kaninuman. Si Julia naman ang unang nagkaroon ng bagong karelasyon. Alam naman natin kung ano ang naganap di ba? Tapos si Ivana pa. Eh jusko nga, sa mga vlogs palang ni Ivana eh ang layo layo naman. Ilang milyon na si Ivana.” Pagtatanggol pa ni Cristy.

Samantala, tila hindi naman apektado si Julia sa mga ibinabatong intriga sa kanya. Sa katunayan ay nag post ito sa kanyang instagram story ng latest adventure nila ng nobyong si Gerald.