Puro papuri si Vice Ganda ng mapag usapan Asia’s Multi Media Star at Kapuso Hunk na si Alden Richards.
“Tuwing nagkikita kami nagpapa picture ako sa kanya. Ang gwapo gwapo kasi niya di ba? Ang bait. Tapos ang bango bango.”
Ito ang sinabi ng It’s Showtime host ng ma interview ni Dr. Vicky Belo sa vlog nito noong Huwebes, January 20.
Bigla namang excite si Vice Ganda ng tanungin siya mismo ni Alden kung gusto ba siya nitong makatrabaho.
Tanong ni Alden, “Would it be possible na pumayag ka na gumawa ng movie kasama ko? At kung oo, anong concept?”
Kitang kita naman ang kilig sa mukha ni Vice habang nagtatanong si Alden.
“Dyusko! Tinatanong pa ba iyan? Gustong gusto ko no?” Bulalas ni Vice.
“Oo dyusko! Gusto kong makagawa ng pelikula kasama si Alden. Kasama si Maine (Mendoza), kung may pagkakataon.”
Dagdag pa ni Vice, “Sobrang dream yun ng maraming tao, bukod sa dream ko din. Bukod sa gusto ko, marami ding taong gustong mangyari yun.”
Sumabat naman si Dr. Vicky at sinabing, “O siguro, mangyayari yan next year.”
Sagot naman ni Vice, “Oo sana. Sana nga magkasama kami.”
“Super gusto ko yan si Alden. Ang bait din niyan sa akin. Tuwing nakikkta ako binabati din ako. Kaya sana nga makagawa tayo ng pelikula Alden.”
Sumang ayon naman si Dr. Vicky at sinabing, “From your lips, to God’s ears.”