Isang “renewed” na Venus Raj ang nakausap ni Toni Gonzaga sa kanyang Toni Talks noong January, 23.
Panimula ni Toni, “Alam mo, grabe yung major major 2010, parang yun yung naging favorite expression ng lahat.”
“Oo nga. Noong una naiinis ako pag naririnig ko yun.” Natatawang tugon ni Venus.
Dagdag pa ng beauty queen, “Kasi parang…hindi ko alam kung if it was just an expression or di ko alam kung kinukutya ba ako, because I fumbled on that Q & A.”

“So parang feeling ko , grabe naman sila paulit ulit. Mga ganun.”
Tinanong din ni Tonisi Venus kung sa tingin ba niya ay mali ang naging sagot nito sa tanong na “what is one big mistake that you’ve made in your life?”
Ayon kay Venus, “I was in denial of course. I watched some of my interviews right after the pageant parang sinasabi ko dun sa interview na, hindi wala akong babaguhin sa sinabi ko kasi yun talaga yung nasa heart ko.”
“Pero uy girl ano ka ba? Umayos ka nga.”
Ipanliwanag din ni Venus na hirap din siya makipag comminicate sa wikang englis noong mga panahong yun.
“Feeling ko hindi ko siya na communicate in a manner na I really wanted to communicate to people.”
“English is not our first language. So may translation pang nangyayari sa utak ko.”
“I was introduced to things I shoudn’t be introduced”
Muling tinanong ni Toni si Venus kung ano na ang naging “major major mistake” na nagawa niya sa kanyang buhay.
Ang prangkang sagot ni Venus, “I think, the thought that relationships would be the ultimate when it comes to having a relationship with a man and compromising my purity. That’s something na…hindi ko na mababalikan yun eh!”
“May mga moments na ganun eh. Feeling mo that’s the best thing that you can give to someone that you’re in a relationship with.” Ani Venus.
Sinagot din ni Venus ang tanong kung ano ang pinakamagandang regalong maibibigay niya sa kanyang makaka relasyon sa ngayon.
“Such a difficult question Toni. I think now it would be honoring and respecting the person that I am in a relationship with.”
Nagkuwento naman si Venus na dahil sa pangungulila niya sa kanyang ama ay nagkaroon na siya ng boyfriend noong 16 pa lamang siya. Mas hamak na matanda naman daw ang lalaki kaysa sa kanya. At sa mga panahong iyon ay naging toxic daw diumano ang kanyang naging relasyon.

“Wala pa akong kamuwang muwang sa buhay noon. Para lang akong sunod lang kung anong sasabihin, masabi lang na you’re in a relationship.”
“I don’t know kung anong ibig sabihin ng toxic relationship. Hindi ko alam kung pano ba yung dynamic dapat. Am I to submit. No idea at all.”
Dagdag pa ni Venus, “I was introduced to things that I shouldn’t be introduced. First sexual experience. I thought, siguro ganito talaga. Ito siguro yung love.”
“Usually ganun naman eh. Binibigay mo yung sarili mo nang buong buo sa tao.”
Naputol naman daw ang nasabing relasyon pagkatapos ng dalawang taon dahil nakabuntis diumano ang lalaking nakarelasyon niya.
Ngunit sa bawat relasyon ay meron namang natututunan si Venus.
Paliwanag pa niya, “At that time hindi ko alam na there was a void. Now I can name that as a void, pero noong nandun ako, hindi ko naman alam na it was called like a void. Na may kulang.”
“Parang pakiramdam ko lang, gusto kong may kasama sa buhay.” Sabi pa ni Venus.
Binunyag naman ni Venus na 7 years na siyang single hanggang ngayon.