Carla Abellana at Tom Rodriguez, hiwalay na matapos ang tatlong buwang pagiging mag asawa?

Shocking para sa lahat ng fans nang mag asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez ang balitang naghiwalay na diumano ang dalawa.

Nakakagulat ito dahil tatlong buwan pa lamang silang kasal. Ikinasal ang dalawa noong October 2021.

Kahapon kasi ay biglang nagulantang ang lahat nang hindi na sila naka follow sa isa’t isa sa Instagram.

Mas lalo pang tumindi ang bulong bulungan ng magpost ng isang cryptic message si Tom.

Credit: Tom Rodriguez/Instagram

Ayon sa ibang malapit sa mag asawa ay ilang beses na raw diumano silang nakikitang nag aaway at sandaling naghihiwalay.

Meron din daw diumanong pinagseselosan si Carla na isang GMA Kapuso actress.

Ito nga kaya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?

May umaasa hindi ito totoo. Na sana ito ay isa lamang sa mga maliliit na away mag asawa na mabilis lang nilang maaayos.

Marami naman sa mga netizens ang nagpahatid ng words of encouragement para kina Carla at Tom..

Credit: akosimangtomas/Instagram

Samantala, ngayong araw lamang ay makikitang naka follow na ulit sina Carla at Tom sa isa’t isa.

Credit: Instagram
Credit: Instagram

Hanggang ngayon ay tahimik parin ang dalawa tungkol sa isyu.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.