Naglabas ng statement ang veteran news anchor ng TV Patrol na si Karen Davila hinggil sa kagustuhan nang kanyang mga followers na mag interview siya ng mga pulitiko sa kanyang Youtube channel.
Si Karen ang muling ipinalit sa mga umalis na news anchors na sina Noli de Castro at Ted Failon.
Patok nga kasi ngayong malapit na ang eleksyon ang pagpapa interview ng mga pulitiko.
Isa na lamang sa halimbawa ay ang Youtube Channel ng King of Talk na si Boy Abunda na humahakot nang million views sa kanyang Presidential interviews.
Sa kanyang Instagram story ngayong araw January 26, ay humingi na paumanhin si Karen sa kanyang mga subscribers na humihiling na gumawa siya ng mga political interviews.
Ayon pa kay Karen, (published as is): Dear YouTube Family, I have read all your messages and am getting several requests to feature some of your favorite candidates or do Presidential interviews on the channel.”
“Having joined TV Patrol last October as one of its news anchors, I am restrained from doing political interviews on my vlog especially during this campaign period. tama po ito.”
Dagdag pa niya, “Kung mapapansin nyo po, ang huling political personality na naka-usap ko ay si Dr Willie Ong, at inilabas ko po yon bago ako sumali ng TV Patrol.”
“I am part of a larger news team. Bahagi po ako ng ABS CBN News. Lahat po ng may kinalaman sa eleksyon ay karapat dapat lumabas lamang sa ABS CBN at ANC.”
“We will continue to do inspiring life stories on my channel! To God be the glory always! Love you guys!” Pagtatapos pa ni Karen.

Samantala, sa kanyang latest post kahapon ay masaya niyang ibinalita na kumpleto na ulit sila nina Henry Omaga Diaz at Karen Sembrano sa TV Patrol matapos silang ma expose sa COVID.

Ayon pa sa caption ni Karen: “The TRIO’s BACK. So many of us were either down with COVID19 or exposed to it – it took a while before we got on air together for 2022!”
“How great it is just to live another day, to continue working, and to have hope for what’s to come! Tuloy lang tayo!”