Kim Chiu muling binatikos dahil sa komento tungkol sa pusa

Muling lumutang ang dating video ni Kim Chiu sa isang segment nang It’s Showtime kung saan ay sinabi niyang masarap buhusan ng mainit na tubig ang mga pusa na maingay sa bubong pag gabi.

Dahil dito ay mas lalo pang tumindi ang mga pambabatikos sa kanya sa social media galing mismo sa mga pet lovers.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens tungkol sa isyu.

Credit: Tiktok
Credit: Tiktok
Credit: Tiktok
Credit: Tiktok

Samantala, muling humingi ng paumanhi si Kim tungkol sa isyu. Ngunit iginiit niya na nag sorry na siya noong araw din na binitiwan niya ang mga salitang iyon.

Maliwanag daw na putol putol ang ipinost na video sa social media para magmukha siyang masama sa mata nang mga tao.

Ayon pa kay Kim, “I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun.”

“But the thing is social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode.”

“But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation. Ganun naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang super mean, yung diin na diin.. kahit wala ka naman ginawa pa. Para ka nang ginawa na masama sa mata nila”

“That’s the sad part. Pero kung may ginawa kang maganda hindi mashado papansinin. Pag masama..happy fiesta! But oh well. Ganun sa atin eh. But Im asking for again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months).”

Humingi rin ng paumanhin si Kim sa mga animal lovers na na offend niya sa kanyang statement.

“Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngayon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan. I hope I made myself clear. I hope this ends here.” Paliwanag pa ni Kim.

Share this article
Erie Swan