Ipinagtanggol ni Cristy Fermin ang kanyang kaibigang si Lolit Solis laban sa mga parinig daw diumano ni Vice Ganda sa It’s Showtime.
Ayon pa kay Cristy, “Alam mo, paminsan minsan ko lang nababasa o naririnig itong sa Manay Lolit Solis na parang nagiging seryoso sa isang bagay. Kasi sa kanya ang lahat ay katatawanan. Ang lahat sa kanya, hahalakhakan lang niya.”
“Pero ramdam na ramdam ko yung pagbanggit banggit sa kanya ni Vice Ganda sa Showtime. Mukhang itong si Vice Ganda, naghahanap talaga nang away.”
“Kaya ang punto ni Manay Lolit, masyado kang patola at ampalaya. Komedyante ka pa naman. Pero kung ganyan ang lasa ng ugali mo. Anong magiging lasa nang comedy mo? Eh di lasang ampalaya din. Mapakla.” Dagdag pa ni Cristy.
Nagsimula kasi ang lahat ng magsulat si Lolit Solis tungkol sa diumanoy power tripping ni Vice Ganda sa It’s Showtime.
Caption pa ni Lolit sa kanyang instagram (published as is): “Medyo alarming Salve iyon mga balita na nagpa power tripping si Vice Ganda. Balita na parang siya na ang nagpapa takbo ng Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawa ng programa. Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago daw ng ugali ni Vice Ganda, at parang marami narin mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa daw nito. Well, baka naman dahil narin overworked at pressured si Vice Ganda kaya kung minsan medyo off ang mga ginagawa niya, pero sana maayos niya ito bago maging huli ang lahat. Paano ka magiging kampante sa comedy kung marami tao ang inis o galit sa iyo. Siyempre affected din ang performance mo. Para tumagal kayo ng gaya ng Eat Bulaga, dapat very family ang samahan nyo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. Yuon team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa.Sana nga hindi tutoo ang mga kumakalat na balita. Sayang kung ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng kapalaran ni Vice Ganda. Ayusin agad.”
Agad namang nag reply ang isa sa mga hosts ng It’s Showtime na si Jugs Jugueta at sinabing, “Hanap po kayo ng bago ninyong source na Maritess, Tita… MASAYANG MASAYA PO KAMI SA SHOWTIME NGAYON!!!! Peace be with you and happy new year!”
Ito daw ang dahilan kung bakit napikon diumano si Vice kay Lolit at todo ang pagpaparinig nito sa It’s Showtime.
Kaya naman todo din ang pagtatanggol ni Cristy sa kaibigan at katrabahong si Lolit.
Dagdag pa na banat ni Cristy kay Vice, “Ang gusto mo lang na mabasa, yung gusto mo. Ayaw mo na may pumapansin sa’yo. Sinasang ayunan ko 110% si kabsat Lolit Solis sa kanyang katwiran na yan.”
Ayon pa kay Cristy, noon pa man daw talaga ay sadyang pikon na itong si Vice Ganda.
Paliwanag pa niya “Alam mo naman Vice ang pinasok mo na mundo, Nung ikaw ay nagtatrabaho pa lang sa mga comedy bars, hindi ka nakikita dun sa telebisyon. Hindi ka napapnood sa pelikula. pero mula noong mag artista ka na talaga, alam mo ang pinasok mong mundo. Ikaw ay hindi makakatakas dito. Sa pagpansin, pagpuna ng mga manonood at mga manunulat.”
“Hindi pupwede yung, kung ano lang ang gusto mo, yun lang ang mababasa mo mo. At yung mga ayaw mo, dapat ligtas ka doon. Hindi toto yun.”
“Alam mo na dito ka kumikita ng limpak limpak na salapi hanggang maging milyonaryo ka. Alam mo na ito ang dahilan kung bakit sumikat ka”
Pinaalalahanan di ni Cristy si Vice tungkol sa mundong pinasok niya bilang isa artista at public figure.
“Alalahanin mo, meron ka dapat paghandaan na mga presyong dapat mong pagbayaran. Ang una na nga dyan, yang personal mong buhay, talagang mapupuna yan.”
“Pero ang tanong, ano ba ang alam nang publiko sa personal mong buhay kundi ikaw din naman ang nagbabandera at nagbibilao nang buhay mo.”
Sa huli ay meron namang payo kay Vice si Cristy.
“Kung ikaw man ay mapuna o mapansin o kahit pa pitikin ka, hindi ka dapat magalit. Ito ang balon na pinagkukunan mo ng hanapbuhay mo.”
“Sabi nga nang iba, good or bad publicity is still publicity.”