Morisette Amon ikinasal na kay Dave Lamar

Nagulat ang lahat sa balitang ikinasal na ang singer na si Morisette Amon at ang singer songwriter na si Dave Lamar.

Naging mailap kasi ang dalawa lalo na sa mapanuring mata ng publiko, kaya hindi sila nagpo post sa social media tungkol sa kanilang love story.

Ibinahagi ni Morisette ang magandang balita sa kaniyang Instagram account.

Ayon sa caption nang larawang ibinahagi ng singer: “We are so happy to finally officially announce that WE ARE MARRIED! It was so hard trying to keep this a secret for the past several months, but we’re finally Free! what a ride it’s been, @davejlamar!!!! To the stars and the Moon, I love you my Husband! thank you for being my True North through it all, holding my hand as we journey through this life together. And I can’t wait to keep going Up and Away and experience it all with you!”

Credit: Morissette Amon/Instagram

Napakaganda ni Morisette sa isinuot nitong Michael Leyva gown. Halatang halata sa mga mata nito ang saya nang araw na iyon.

Credit: Morissette Amon/Instagram

Sa video na ipinost ni Morisette sa kanyang Youtube channel ay tinanong niya si Dave kung paano nito nalaman na siya na ang babaeng gustong makasama nito habang buhay.

Sagot ni Dave, “I think it was the kind of friendship that we developed. After the voice, like going to the States. Conversing with you in that way.”

Sinabi naman ni Morisette na matagal na niyang kilala si Dave bago pa man ang pagsali nila sa The Voice.

Ayon pa sa kanya ay una silang nagkita sa TV 5 noong 2011.

Credit: Morissette Amon/Instagram

Paliwanag pa ni Morisette kay Dave, “When I had problems, everything that I’ve been through in life. I wasn’t that kind of person who really share to anyone.”

“And so what ended up happening was, parang I was able to develop that personality na sobrang galing kong mag keep ng emotions ko inside. And then you were really the one I found really comfortable sharing stuff with. Hanggang sa mga stuff na I don’t really tell people, nasasabi ko na rin sa’yo.”

Sumang ayon naman si Dave sa sinabi ng asawa, “I guess that’s what gravitated me towards you as a friend. It was just conversation na easy. Na hindi mo na namamalayan na ilang oras na pala kayong nag uusap about random things. At magka ibang time zone pa.”

Credit: Morissette Amon/Instagram

Nanatiling ganun daw ang sitwasyon nilng dalawa hanggang sa madevelop na lang sila sa isa’t is a.

Ibinunyag naman ni Morisette na sa tuwing binibisita siya noon ni Dave dito sa Pilipinas ay lagi lamang silang nagkikita sa roof top dahil hindi nga makalabas ang singer.

Ipinaliwanag naman ni Dave kay Morisette kung bakit sa tingin niya ay perfect match silang dalawa.

Ayon pa kay Dave, “What I love about you is that, you compliment me in my weaknesses. I compliment you in your weaknesses. We challenge each other in many different ways. And I’m just excited to have you for the rest of my life.”

Samantala, umulan naman sa wedding ceremony kaya tila nakisamang magdiwang ang langit sa pag iisang dibdib nina Dave at Morisette.

Share this article
Erie Swan