Marami nang accomplishments na nagawa si Rihanna sa kanyang career.
Isa siyang maimpluwensyang musikero, artista, cosmetics at lingerie mogul, bilyonaryo at pambansang bayani ng kanyang bansang Barbados.
At ngayon ay handa na siyang magdagdag ng isa pang pamagat sa listahang iyon: magulang.
Si Rihanna ay buntis sa kanilang unang anak ng rapper boyfriend na si A$AP Rocky.
Ang balita ng kanilang anunsyo ay kumalat kaagad na parang apoy sa social media at mga celebrity blogs at media outlets.
Ipinost ng celebrity photographer na si Miles Diggs ang close up shot ng lumalaking tiyan ni Rihanna sa Instagram noong Lunes. Ito ay may caption na “SHE IS!” Ang larawan ay meron na halos 400K likes galing sa mga tagahanga ng singer.


Kahit sa Twitter ay pinagpyestahan din ng mga netizens ang mga larawan ng magnobyo na magkahawak kamay habang naglalakad sa New York City.
Sinabi ni Rihanna sa kanyang interview sa British Vogue noong Mayo 2020 na gusto niyang magkaroon ng tatlo o apat na anak at kung sakaling hindi niya matagpuan ang kanyang “the one” ay gagawin niya itong mag-isa.
Halos isang dekada na ring naging magkaibigan ang power couple at napaulat na naging opisyal noong mga huling bahagi ng 2020. Ginawa nila ang kanilang red carpet debut sa Met Gala noong Setyembre, na lumikha ng ingay sa mundo nang showbiz.