Alden Richards, hot na hot sa kanyang topless photos

Halos hindi magkamayaw ang mga netizens ng ipinost ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang kanyang mga topless na larawan sa kanyang Instagram account.

Ang mga larawan ay walang nakalagay na caption ngunit naka tag naman ang sikat na photographer na si Mark Nicdao.

Nagpost din ng parehong larawan si Mark sa kanyang Instagram at nilagyan niya ito ng caption na: “Mr. Richards 2022”.

Mas lalong lumutang ang kagwapuhan ng aktor dahil ginamit ang mga kulay na black & white, pula, asul at luntian.

Credit: Alden Richards/Instagram

Umabot na sa 83,000+ likes ang larawan matapos ito maipost ni Alden.

Credit: Alden Richards/Instagram

Kitang kita sa mga kuhang larawan kung gaano inaalagaan ni Alden ang kanyang katawan. Mahilig din kasi siyang magpunta sa gym kapag meron syang libreng oras.

Kaya tiyak na marami na namang mga bading at kababaihan ang pagpapantasyahan ang mga larawang ito ni Alden.

Samantala, hindi naman napigilan ng mga netizens ang kanilang paghanga sa kagwapuhan at kakisigan ng aktor.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Made with Repix (http://repix.it)

Matapos ang kanyang matagumpay na documentary concert noong January 30, ay mukhang may pinaghahandaang bagong proyekto itong si Alden.

Sabagay, deserving naman siya sa lahat ng tagumpay na kanyang tinatamasa.

Kaya abangan na lamang natin kung anuman ang bagong proyekto na ito ni Alden.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.