Angelica Panganiban trending ang real life hugot

Trending ngayon sa social media ang video ni Angelica Panganiban mula sa Facebook page ng Young Public Servants, kung saan ay kanyang inihalintulad ang kanyang lovelife sa pagboto ngayong eleksyon.

Patok na patok sa mga netizens ang mga real life hugot ng aktres sa video na umabot ng 1 minute at 36 seconds.

Panimula ni Angelica, “Naloko ka na ba ng pagmamahal sa maling tao? Yung akala mo gold medalist ka na, tapos fake news pala?”

“Nako, nako, nako, don’t me! Alam ko yan. Marami akong entries.”

Sumunod na eksena ay tila nagkukuwento na si Angelica tungkol sa sarili niyang buhay pag-ibig na bukas na libro naman sa mga tao.

“Alam nyo naman di ba? Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagapak beh. Dapang dapa!”

“Ninakawan ako ng pag-asa at pangarap.”

“Huy! Sus! Para kang nag swimming sa kalsada, alam mo iyon? Wasak na wasak ang puso ni Nasty Mac!”

“Minahal ko eh! Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko. Pero… wala! Nganga! Mambubudol pala!”

Tila nga hindi naubusan ng hugot lines si Angelica at itinodo pa ang kanyang real talk.

Dagdag pa niya, “Ansakit umasa ha? Nakakapagod din maging tanga. Sa ganda kong ‘to? Hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve.”

Hanggang sa inihalintulad na niya ito sa pagpili ng mga kandidato ngayong eleksyon.

“Kaya sana, ikaw rin. Iwasan na natin ang mga manloloko.”

Sa huli ay pinayuhan ni aktres ang mga botante na kilalaning mabuti ang mga kandidato.

“Kaya ngayong eleksyon, sa May 2022, ingat ingat sa mga tao. Kilatising mabuti ang mga manliligaw.”

“Halughugin ang bio-data mula high school hanggang college. Alamin at tingnan ang character references.”

Share this article
Erie Swan