Naging guest ang beauty queen turned actress na si Janelle Lewis sa Cristy Ferminute nina Cristy Fermin at Rommel Chika.
Ipino promote kasi ng dalaga ang kanyang bagong pelikula na Takas.
Diretsahang tinanong ni Rommel si Janelle kung siya nga ba ang napapabalitang third party sa hiwalayang Kiko Estrada at Heaven Peralejo.
Ayon kay Janelle, “Regarding that po, I came in the picture, like what I said in the presscon po ng Takas, a few months after their breakup.”
“So I was not the reason po.”
“I did not know Kiko during the time of their relationship.” Pag-amin pa niya.
Nag follow up naman kaagad si Cristy at tinanong si Janelle kung magkarelasyon na ba sila ni Kiko.
Hindi naman nagpatumpik tumpik si Janelle at diretsahang sinagot ang tanong.
“Yes po. We are officially together.”
Dagdag pa niya, “We are very good po. Going strong. Although there’s a lot of battles.”

Ikinuwento ni Janelle na simula nang ipinost niya ang kanilang video ni Kiko sa Tiktok ay marami na ang nag akusa sa kanya na siya ang third party sa hiwalayang Kiko at Heaven.
Paliwanag pa niya, “Nung nilabas ko po yung Tiktok video na magkasama kami, andaming accusations na third party po ako. Kaya nilinaw ko po talaga nung presscon na I came in the picture after the party.”
Sinabi rin ni Janelle na sa lahat nang pangbabash sa kanya sa social media ay nasa tabi niya lagi si Kiko para sumuporta.
“He’s been by my side through it all. Andaming nambabash and everything pero he always keeps my head up.”
Binunyag naman ni Janelle na nakilala na niya ang mga magulang ni Kiko na sina Gary Estrada at Cheska Diaz.