Heart Evangelista’s classy reply to a basher calling her tacky

Fresh mula sa kanyang matagumpay na appearance sa Paris Fashion Week ay muling lumilikha ng ingay si Heart Evangelista sa social media.

Isang OOTD video muli ang kanyang ipinost sa Instagram kung saan nag mix and match siya ng kanyang outfit.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Ngunit tila meron isang netizen na hindi napigilang mag komento sa video ni Heart.

Ayon sa netizen na may handle na @komomomolopoiny: “I am a big fan but I don’t find these videos of you trying on clothes classy. They look tacky. You can do better. Please stop these vids but continue serving us great classy looks.”

Hindi naman ito pinalampas ni Heart at sinabing, “@komomomolopoiny you can unfollow (heart emoji) don’t cater to everyone is my new normal.”

Credit: iamhearte/Instagram

Sa kabilang banda ay napatunayan na ni Heart ang kanyang power bilang isang social media influencer. Kaya hindi na dapat pinapatulan ang mga ganito klase ng komento.

Isang patunay nito ay noong mag trending ang Yves Saint Laurent New Wave SL 276 sunglasses na kanyang isinuot sa isa sa kanyang mga appearances sa Paris Fashion Week.

Matapos magpost si Heart ng kanyang OOTD ay biglang nagpost ang kanyang mga fans ng kanilang bagong biling YSL sunglasses.

Ang ilan ay nagtungo pa mismo sa mga YSL stores para lamang makabili ng sunglasses na isinuot ni Heart. Matapos ang ilang oras ay sold out na ang YSL sunglasses sa halos 10 bansa.

Patunay lamang ito na nananatiling walang kaparis ang kanyang impluwensya sa social media.

Samantala, burado na ang nasabing komento ng nasabing netizen habang isinusulat ang balitang ito.

Share this article
Erie Swan