Namamayagpag ang bagong teleserye ni Jodi Sta. Maria sa ABS-CBN, ang The Broken Marriage Vow. Marami ang pumupuri sa kanyang mahusay na pagganap sa teleserye.
Inamin ni Jodi sa vlog ni Karen Davila na hindi madali na gampanan ang kanyang papel bilang si Dr. Jill.
Bilang siya mismo ay nakaranas narin ng “broken marriage vow” sa kanyang buhay.
Ayon sa kanya, “For me, it’s hard to play something that is close to home. Kasi pwede mong sabihin na alam na alam ko na yung gagawin ko dito, kasi nangyari sa akin yan.”
“But then kailangan kong isipin as an actor na I am not reacting as Jodi. I am not feeling as Jodi. But I am feeling and I should be reacting as Dr. Jill.”
“Ibang iba yung background ni Dr. Jill sa background ni Jodi and that would somehow affect kung paano sila magrerespond or magrereact sa situation.”

Si Jodi ay matagal ng hiwalay sa dati nitong asawa na si Panfilo Lacson Jr.
Ayon sa kanya, isa iyon sa pinakamasakit na nangyari sa kanyang buhay.
Paliwanag pa ni Jodi, “Hindi ka naman papasok sa isang commitment o isang covenant na para lang masira diba?”
“So during that time na my marriage didn’t work out, I felt like I was the biggest failure, the biggest joke. Ganun yung pakiramdam ko. Nagkaroon ako ng feelings of shame… of guilt.”
Nanghihinayang din daw si Jodi na hindi niya nabigyan ang kanyang anak na si Thirdy ng buong pamilya. Kaya naman nang mga panahong iyon ay na depress diumano siya ng husto.
“During that time talaga, I felt so low and I felt so down and lost and depressed.”
Jody is still willing to remarry…
Ngunit paano nga ba nilabanan ni Jodi ang depression bunsod ng pakikipaghiwalay niya sa kanyang asawa?
Ayon sa kanya, “I think yung naging coping mechanism ko noon was just to be spending a lot of time with my friends because I needed some distraction.”
“I would remember it was also during that time that I did a lot of partying. Alam mo yung just to drown lang all the pain and just to forget.”
“But then, pagkagising mo the following day, masakit na nga yung puso mo, masakit pa yung ulo mo dahil sa hangover.” Natatawang sambit ni Jodi.
Pero dahil sa mga sunod sunod na proyekto ni Jodi noon ay nakahanap siya ng iba pang distraction maliban sa pakikiparty at palagiang pag inum.
“May trabaho ako so hindi ko maiisip yung mga bagay na nagyayari sa’kin at home.”
Taong 2012 nang maging household name si Jodi dahil sa tagumpay ng teleseryeng “Be Careful With My Heart“, kapareha si Richard Yap.
Kaya naisip ni Jodi na ito na yung pagkakataon na mapupunan ang lahat ng kawalan na kanyang nararamdaman ng mga panahong iyon.
“I think ito na yung sagot sa emptiness na nafifeel ko. Sa loneliness na nafifeel ko. Parang ito yung bubuo sa akin.”
Pero kuwento ni Jodi, sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay sa kanyang karera ay nakaramdam parin siya ng labis na pagkalungkot at kawalan.
Isa pa sa naging dalahin ni Jodi ay ang hindi niya pagkakakilala ng personal sa kanyang amang nag abandona sa kanila ng kanyang ina.
Ngunit noong makilala niya ang Panginoon ay nagbago daw ang kanyang pananaw sa lahat ng bagay at naging madali diumano sa kanya na mabuo muli ang kanyang sarili.
Sa huli ay sinabi ni Jodi na handa daw siya muling mag asawa kapag nahanap na niya ang tamang tao para sa kanya.
“Ako in my heart I know, I would want to take that road again with the right person and in God’s perfect time.”