Toni Gonzaga, binatikos ng husto dahil sa pag host ng Marcos-Duterte rally

“Traydor sa sariling tahanan!”

Yan ang sabi ng isang netizen tungkol sa nakalipas na pag host ni Toni Gonzaga sa political rally nina Presidential at Vice Presidential aspirants na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte Carpio sa Philippine Arena.

Ipinakilala ni Toni si BBM bilang “susunod na Presidente ng Pilipinas” at Mayor Sara bilang “susunod na Bise Presidente ng Pilipinas”.

Naging tahanan ni Toni ang ABS-CBN ng halos labing anim na taon, at ito ang nagbigay sa kanya ng malaking break sa larangan ng pelikula, telebisyon o musika man.

Maaalalang isa si Toni sa mga kumondena sa ginawang pagpapasara sa ABS-CBN noong taong 2020.

Ayon pa sa kanyang tweet noong May 6, 2020, “It was my biggest dream to work here. Watching it shut down today is the most heartbreaking thing to witness.”

“For the many dreams you have fulfilled and the many people you helped, we will continue to pray for our home network.”

“Mga Kapamilya, ngayong araw nagsara ang aming tahanan…”

Noong July 18, 2020 naman ay nag tweet si Toni bilang patama sa mga mambabatas na tumulong na maipasara ang kanyang home network.

Ayon sa kanya, “Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi namin makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABS-CBN.”

“You may have the power now but it will not be forever.”

“I believe that no matter who the president is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names.”

ABS-CBN supporters cancel Toni… again!

Kaya naman hindi napigilan ng mga ABS-CBN supporters ang maglabas ng kanilang saloobin at batikusin ang ayon sa kanila’y kawalan ng delicadeza ni Toni.

Credit: Twitter

Meron namang nagsabi na walang utang na loob si Toni. Na matapos payamanin ng ABS-CBN ay sa nagpasara pa sa istasyong pinagtatrabahuan niya sumuporta.

Credit: Twitter

Kahit ang Magandang Buhay host na si Karla Estrada ay damay din sa galit ng mga sumusuporta sa ABS-CBN.

Credit: Twitter
Credit: Twitter
Credit: Twitter
Credit: Twitter
Credit: Twitter
Credit: Twitter

Toni’s Kapamilya, dismayado din sa kanya

Hindi lamang ang mga netizens ang nasaktan sa ginawa ni Toni. Maging ang mga katrabaho at dating katrabaho nito ay nagpahayag din ng kanilang pagkadismaya.

Isa sa nagpahayag ng kanyang saloobin ay ang dating Kapamilya reporter na si Gretchen Ho.

Credit: Twitter

Inihalintulad naman ng singer na si Sam Concepcion si Toni bilang Queenie Goldstein, ang half-blood witch sa pelikulang Harry Potter.

Credit: Twitter
Credit: Twitter
Credit: Twitter

Maging ang TV Patrol reporter na si Marc Logan ay meron ding pasaring kay Toni.

Credit: Twitter

Samantala, tila hindi naman apektado si Toni sa lahat ng natatanggap na pambabatikos sa social media.

Nag repost din kasi siya sa kanyang Instagram stories ng mga mensahe ng pagmamahal mula sa kanyang mga tagahanga at taga suporta.

Credit: celestinegonzaga/Instagram

Ito ay nagpapakita lamang na pinaninindigan ni Toni ang kanyang naging desisyon na suportahan ang kandidatura ng kanyang ninong sa kasal na si BBM at Mayor Sara.

Share this article
Erie Swan