Hindi parin humuhupa ang isyu tungkol sa pagsuporta ni Toni Gonzaga kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Lalo pa kasing uminit ang galit ng iilan noong proclamation rally nina Ferdinand “Bongbong” Marcos at Mayor Sara Duterte dahil sa pagpapakilala niya sa isa sa mga nagpasara sa ABS-CBN sa kamara, na si Congressman Rodante Marcoleta.
Ayon pa sa karamihan ng mga ABS-CBN supporters ay tila nagka amnesia na si Toni sa ginawa ni Congressman Marcoleta.
Kaya naman marami sa mga katrabaho ni Toni sa Kapamilya network ang sobrang dismayado sa ginawa niyang hakbang na ito. Marami ring mga artista, kaibigan man o hindi ang bumatikos sa kanya.
Samantala, inunfollow naman ni Toni ang lahat ng mga artista sa kanyang Instagram account.
Mabilis naman na napansin ng mga netizens ang paglilinis na ito ni Toni at kaagad nilang ipinost sa twitter.
Sa kasalukuyan ay meron na lamang siyang 22 na pinafollow sa social media platform, kasama na dyan ang kapatid na si Alex Gonzaga, asawang si Paul Soriano at si BBM.
Hanggang sa ngayon ay wala pang komento ang dating host ng Pinoy Big Brother tungkol dito.