Ex PBB housemates binato ng insulto si Toni Gonzaga

Painit ng painit ang isyu tungkol sa pagsuporta ni Toni Gonzaga sa Presidential bid ni Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Halos lahat, mapa artista o ordinaryong tao man ay merong opinyon tungkol sa pangyayari. Merong iilan na mga ABS-CBN supporters ang walang preno sa pagtuligsa sa TV host actress.

Kabilang na nga dito ang mga ex-PBB housemates na sina Dawn Chang at Dionne Monsanto.

Ayon pa kay Dawn sa kanyang Facebook post, “It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow Kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga.”

“Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” Tanong pa ni Dawn.

Hindi daw pwedeng manahimik na lamang siya sa isyu dahil may malaki raw giyerang kinakaharap ang ating bansa.

“As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya.I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas “safe” ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede.”

“It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay Leni Gerona Robredo po ang suporta ko.”

Ipinaliwanag din ni Dawn na hindi siya binayaran para magpahayag ng pagsuporta sa Bise Presidente.

“Hindi po ako binayaran dito.If this is my biggest fight, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo.”

Pagtatapos pa ni Dawn, “I want for all of us to say “Hello” to a better Philippines. Today, and always, I pray for everyone’s guidance. May He send us His true guardian angels. I will forever fight the good fight with all of my true Kapamilya’s and the Filipino people.”

Samantala, ang isa pang ex PBB housemate na si Dionne Monsanto ay tila may patama rin kay Toni.

Nag tweet kasi siya matapos magrelease ng kanyang official statement si Toni bilang pagreresign sa kanyang hosting duties sa Pinoy Big Brother.

Ayon pa kay Dionne, “Self-proclaimed “Angel”. Reminds me of self-proclaimed “Appointed Son of God” “Modern-day Joseph”. Try nyo self-proclaimed Judas, o self-proclaimed Satanas ganyan.”

Sa kabilang banda naman ay nananatili paring tahimik ang kampo ni Toni tungkol sa isyu. Mukhang pinaninindigan nga nito ang pagbansag ng iba sa kanya bilang “Unbothered Queen”.

Share this article
Erie Swan