Kabogera talaga itong si Maymay Entrata, hindi lamang sa pagpiperform sa stage kundi maging sa kanyang buhay pag-ibig.
Ginulat ng Amakabogera singer ang apat na sulok ng showbiz ng magpost ito ng larawan ng kanyang nobyo.
Nakayakap ang dalawa sa larawan na ipinost nito sa Instagram. Nilagyan niya ito ng caption na: “Happy Birthday my Valentino” with heart emoji.
Ang ikinagulat pa ng lahat ay isa itong napaka gwapong foreigner.
Noong January 31 ay nagpost si Maymay ng tatlong larawan na may caption na “Aaron” (with heart emoji). Kuha ang mga ito sa Canada kung saan nagbabakasyon ang dalaga. Tila nagparamdam na nga si Maymay na may bago na siyang iniibig.
Kinikilig na nagulat naman ang karamihan sa kanyang mga kaibigan. Kilala kasi si Maymay na sobrang pribado pagdating sa kanyang lovelife.
Ayon naman sa isa sa mga comments, “Sinabihan na kita na maawa ka sa mga singles.”

Halatang halata naman na masaya sina Robi Domingo, Iza Calzado, Vhong Navarro, Belle Mariano at Sue Ramirez para kay Maymay.

Maging si Maccoy De Leon ay hindi rin makapaniwala.

Maging ang kaparehong PBB winner na si Kim Chiu ay sobrang gulat na gulat din sa rebelasyon na ito ng kaibigan.

Si Luis Manzano naman ay excited ng makilala ang Valentino ni Maymay.
