May bagong patama na naman si Angelica Panganiban sa mga kandidato ngayong eleksyon.
Pangalawang pagkakataon narin niya ito para pangaralan ang mga botante tungkol sa tamang pagboto ngayong Mayo.
Ito na din ang pangalawang collaboration ng aktres sa Young Public Servants, isang youth group na nagpo-promote ng good governance at democratic citizenship.
Inumpisahan ni Angelica ang video sa pag-inum ng wine. Sabay sabing, “Nako alam nyo, ang daming mapagsamantala ngayon ano? Hoy, teka lang. di naman ‘to tungkol sa pag-ibig. Grabe kayo.”
“Tapos na ako diyan! I’m so happy now! Mga sinungaling kasi! Naglipana!”
Muling siyang nagkwento tungkol sa pambubudol ngayong pandemya.
“I remember so many people mga mare. Pandemya na nga, nanguha pa mangbudol ng kapwa!”
“Ang sinasabi ko, yung mga nafa-fake booking sa mga apps. Umoorder ng buong menu, pero biglang hindi na mahagilap pagkatapos.”
“Mga online sellers na hihingan ka ng downpayment o minsan nga full pa. Tapos nun, blocked ka na!”
Binanggit din ni Angelica ang mga essentials daw diumano na pinagkaperahan ng iilan.
“Buti sana kung barya-barya lang. Pero pati mga essentials, gaya ng gamot, oxygen, masks, face shields…”
“Ay! Essentials nga pala. Hindi kasama yung mga face shields. Sorry po!”
“Mga ate kuya, buhay at kalusugan ang pinag-uusapan natin dito. Kawawa yung mga totoong nangangailangan sa atin.”
Sa huli ay nagbigay muli si Angelica ng paalala sa mga botante. Pinaalalahanan niya ang mga ito kung ano ang hindi dapat iboto ngayong eleksyon.
“Kaya ako? One strike, one rule lang talaga ako. Wala ako sa mga second-chance second-chance. Sa mga kembak kembak na ‘yan!”
“Pag may history ng pambubudol, never again, never forget tayo.”
“Kaya ngayong eleksyon, naku mag ingat tayo sa scammers. Naglipana yan! Iwasan natin yung mga nangangako ng gold. Mambubudol yan.”
“Wag na tayong magpa-uto. At por diyos por santo, ‘wag bumoto ng magnanakaw! Cheers!”