Look: Birthday girl Anne Curtis pegs Audrey Hepburn in a photoshoot

Nagpost ang birthday girl na si Anne Curtis ng mga larawan sa kanyang Instagram account ngayong araw.

Ang gaganda ng mga larawan na ito ni Anne na kuha ng sikat na photographer na si Shaira Luna. Ginawa ring peg sa photoshoot ang fashion idol ni Anne na si Audrey Hepburn.

Sa unang tingin ay aakalain mo na ang Hollywood icon nga na si Audrey ang iyong tinitingnan. Kahit si Karen Davila ang nabudol ni Anne sa kanyang larawan.

Ayon pa kay Karen, “OMG I literally thought it was an old photo of Audrey Hepburn!! Uncanny!”

Credit: annecurtissmith/Instagram

Kasama naman ni Anne sa larawang ito ang kanyang anak na si Dahlia Amélie.

Credit: annecurtissmith/Instagram

Ayon pa kay Anne, “Waking up happy and very, very grateful. Today is going to be a beautiful day!”

Credit: annecurtissmith/Instagram

Samantala, mukhang may bagong project na niluluto si Anne. Ayon kasi sa kanyang caption: “Final stretch and adjustments. Can’t wait to share something special with you guys tomorrow.”

Credit: annecurtissmith/Instagram

Happy happy birthday Anne!

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.