Barbie Imperial nananakot na magpapakamatay sa tuwing hihiwalayan ni Diego Loyzaga ayon kay Cristy Fermin

Ibinuko ni Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute ang aktres na si Barbie Imperial.

Tinatakot daw diumano nito ang dating nobyo na si Diego Loyzaga na magpapakamatay sa tuwing hihiwalayan siya nito.

Ayon pa kay Cristy, “Wala nang kapayapaan ng kalooban ang babaeng walang tiwala sa kanyang sarili at karelasyon. Sa totoo lang.”

“Doon umiiral yung, magpapakamatay na ako! Tatalon na ako sa hagdan.”

Diretsahan ding kinausap ni Cristy si Barbie, “Wag mong ipagkakaila yan. Buhay na buhay ang mga pinagsasabihan mong tao na kapag hindi ka na pinapansin ni Diego ay tatalon ka sa hagdan. Nagtatakbo ka nga eh. Nagtatakbo ka nga sa ulanan.”

“Buti nahabol siya ni Diego, dahil hindi nila kilala yung nasa ibaba ng bahay sa Antipolo. Nakakatakot talaga.”

Una ng sinabi ni Barbie sa kanyang interview na naging maayos ang paghihiwalay nila ni Diego pero kinontra ito ni Cristy.

Ayon pa kay Cristy, kung maayos ang kanilang paghihiwalay ay bakit binura daw diumano ni Barbie ang mga larawan ni Diego sa kanyang social media?

Pinahuyan din daw diumano nito si Barbie na iwasan na ang pakikipag away kay Diego at magtiwala na lamang dahil mahal na mahal siya nito at hindi siya ipagpapalit sa iba.

Isa ang pagkakalink ni Diego kay AJ Raval ayon kay Cristy sa mga rason kung bakit madalas mag away ang dalawa.

Pansamantala namang nakatira si Diego sa Amerika sa ngayon. Kitang kita din sa kanyang mga posts sa social media na inienjoy niya ang kanyang pagiging single at ang bagong buhay na malayo kay Barbie.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.