Pinag-usapan ng husto sa social media ang hubad na larawan ni Jake Zyrus.
Matapos kasing mag transition bilang transman ay hindi na tinantanan ng mga panlalait ng mga bashers ang singer.
Kaya naman lakas loob niyang ibinahagi ang isa sa pika importanteng post na ito sa kanyang buhay.
Panimulang tugon ni Jake, “Una sa lahat, salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat.”
“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.”
Ayon pa sa kanya ay panahon na para palayain ang lahat ng kanyang mga pangamba at pagdududa simula ng magdesisyon siyang mag transition.
Wala na rin daw siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba tungkol sa kanya.
Dagdag pa ni Jake, “Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.”
“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon.”
Sa pamamagitan ng pagpost ng kanyang hubad na larawan ay nais ni Jake na maging inspirasyon siya sa kagaya niyang transgender na magkaroon ng lakas loob na magpasya para sa kanilang sariling kaligayahan.
“Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.”
Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon. Well. This is me guys.
Mahal ko kayong lahat.” Pagtatapos pa niya.
Sa ngayon ay meron nang 14K likes at 1K comments ang larawan na ito ni Jake.