Ion Perez binigyan ng bonggang birthday party ang kanyang Nanay Zeny

Hindi pinalampas ni Ion Perez na mabigyan ng masaya at engrandeng birthday party ang kanyang Nanay Zeny na nagdiriwang ng kanyang ika-70 kaarawan.

Umuwi pa sa Pampanga ang kabiyak ni Vice Ganda para makasama ang kanyang ina sa espesyal na araw nito.

Ang birthday party ay idinaos mismo sa bahay ni Nanay Zeny na dinaluhan din ng kanilang mga kamag-anak at mga kapitbnahay.

Credit: Ion Perez/Youtube

Ang nakakatuwa pa ay si Ion mismo ang personal na nag imbita sa kanyang mga kapitbahay para dumalo sa party sa kanilang bahay.

Naalala pa nga niya ang isa sa kanyang kapitbahay na diumanoy hindi nag atubiling magpautang sa kanya noong siya’y walang wala pa.

Kuwento pa ni Ion, “Yan yung tipong walang wala ako, yung tambay ako. Yang tindahan niya kasi nakakautang ako kahit anong oras. Kahit pasara na siya pag nangutang ako, pauutangin niya ako.”

Si Ion mismo ang nag host sa party at puro papuri nga siya sa kanyang Nanay Zeny.

Ayon pa sa kanya “Napakaganda ng nanay namin. Maniniwala ka ba na sa ganda niyang yan, andami niyang pinagdaanan sa buhay? Isa yan sa ipinagmalaki ko, ang nanay kong napakaganda kahit maraming pinagdaanan sa buhay.”

Credit: Ion Perez/Youtube

Hindi nga maitago ni Ion kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang Nanay Zeny habang nagbibigay ito ng madamdaming mensahe para sa kanyang pinakamamahal na ina.

“Message ko kay nanay, lahat ng pagdadaanan mo sa buhay nandyan lang yan. Hindi ka iiwan. Tatalikuran ka ng lahat pero yang nanay mo, hinding hindi ka iiwan niyan.”

“Kasi ako nasubok ko na yan eh. Tambay ako dyan. Muntik ako mawala sa landas. Ba’t ako naging ganito. Kasi naging ganun ako. Kasi pag alam nilang Perez, magulong pamilya. Yun kami.”

“Pero hindi kami nang aapak ng kapwa tao namin. Kahit alam naming niloloko kami, tumutulong kami. Ganun kami pinalaki ng magulang namin, may takot sa DIyos.” Dagdag pa ni Ion.

Samantala, ipinaabot naman ni Vice Ganda sa pamamagitan ni Ion ang napakagandang bulaklak para sa kanyang manugang.

Share this article
Erie Swan