Hindi nagpapigil si Maymay Entrata sa pagsita sa isang Youtuber na nagpapakalat diumano ng fake news tungkol sa kanya at sa kanyang dayuhang nobyo.
Ayon pa sa tweet ni Maymay ngayong araw na may time stamp na 7:57 AM, “‼️FAKE NEWS‼️ Kapag di nyo po buburahin at patuloy nyo pong pag s-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag nyo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po.”
Ang tinutukoy diumano ni Maymay sa tweet niyang ito ay ang Youtube channel na The Cardoding Show.

Ang video na gustong ipabura ng Amakabogera singer ay may title na, “Its Confirm! Jowang nireveal ni Maymay Entrata its a FAKE pala?”
Nakalagay din sa thumbnail ang mga salitang “scammers” at “fake si jowa reveal”. Pati ang screenshot ng isang comment na nagsasabing “I saw this guy in a documentary a Tinder scammer (three laughing emojis) sa Netflix” ay nakalagay din.
Ang tinutukoy sa komento na ito ay ang Netflix series na “The Tinder Swindler”. Ito bagong dokumentaryo ng Netflix na nagkukuwento tungkol sa isang kilalang “conman” na ginagamit diumano ang Tinder dating app para mamuhay ng marangya habang niloloko ang maraming kababaihan sa buong Europa.
Samantala, samu’t sari rin ang naging reaksyon ng mga netizens tungkol dito.

SInabi naman ng mga sumusuporta kay Maymay na dapat ipadampot ang lahat ng nagpapakalat ng fake news.


“Respect Maymay” naman ang sigaw ng ilang netizens na nakikisimpatiya sa pinagdadaan ni Maymay.

May netizen rin na nakapansin na lage daw nakakasali sa mga meet and greet ni Maymay ang may-ari ng Youtube channel na nagpapakalat diumano ng fake news tungkol sa kanya.

Sa kasalukuyan ay burado na ang nasabing video sa Youtube.