Muling nagbigay ng update si Kris Aquino tungkol sa kanyang pinagdadaanang medical condition.
Ipinakita niya sa kanyang Instagram ang mismong proseso ng pagkuha sa kanyang dugo ng mga medical staff ng St. Lukes Medical Center.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na hindi nagdamot si Kris at ibinahagi maging ang pinaka maselang parte ng kanyang buhay sa ngayon.
Ayon sa pa mahabang caption ni Kris, “I spent the whole afternoon here in our unit in consultation with 2 young doctors- for their privacy I won’t name them – they are sisters-in-law who are both allergy specialists.”
“Marami akong health problems at present but para ma confirm how serious they are, kailangan unahin namin yung pinaka malaking hadlang, my allergies and my chronic urticaria. Hindi kasi alam how I’ll react to the dyes needed for tests like CT SCAN, MRI, and lahat ng may gram sa ending.”
Masaya niya ding ibinalita na wala siyang cancer at diabetes, mga sakit na kanyang pinangangambahan maging ng ilang netizens na nakapansin kung gaano siya kapayat ngayon.

Dagdag pa ni Kris, “For us na lang yung autoimmune plus other health issues ko, better for me to FOCUS on what’s GOOD: cancer is ruled out, kidney function is okay, sugar is fine (meaning no diabetes), and so far liver function is okay considering all my maintenance meds.”
Nagpasalamat din ang actress – TV host sa lahat ng mga nag aalala sa kanya at nag alay ng kanilang mga panalangin para sa mabilisan niyang paggaling.
“Thank you for all your prayers and kind well wishes, but let’s continue praying not just for me BUT for all my loved ones: my family – my sisters, brothers-in-law, mga pamangkin and PLEASE, my 2 sons, Kuya Josh & Bimb.”
Humiling din si Kris ng panalangin para sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Please pray also for my closest cousins and my trusted friends from all colors of the rainbow and my exceptionally loyal doctors, my nurse, and my TEAM at home who worry, and do everything possible to keep me safe and Covid free.”
“My prayers & sympathy to all those my cousin Charlie Cojuangco left behind, most especially to my Manang Lisa.”

Sa huli ay sinabi din ni Kris na ang ginagawang blood test sa kanya ay paghahanda para sa gusto niyang subukang medical treatment sa ibang bansa.
Dagdag pa ni Kris, “We just finished this blood test 30 minutes ago to see kung viable candidate ako for the treatment I want to try, before we go abroad. Thank you, Jessica – my favorite med tech from St. Luke’s BGC.”
“Sobrang daming dapat ma THANK YOU but aangal kayo na ang haba ng caption ko. So for now, God bless us, good night & love love love.”
Nauna nang itinanggi ni Kris kamakailan ang mga tsismis na siya ay nasa kritikal na kondisyon, at idiniin na siya ay lalaban upang pahabain pa ang kanyang buhay dahil kailangan pa siya ng kanyang mga anak.