Marian Rivera namigay ng kanyang sobrang breast milk sa mga sanggol na nangangailangan

Namangha ang mga netizens sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa pamimigay nito ng kanyang sariling breastmilk sa mga sanggol at inang walang sapat na gatas.

Tinanong si Marian kung bakit niya naisipan na mamigay ng breast milk at sinabi niyang sa dami ng kanyang gatas ay naisipan niyang ipamahagi ito sa ibang walang wala.

Ayon sa kanya, “Kasi ano eh sobrang dami. Alam ko na maraming nangangailangan at hindi lahat ng mommy ay nakakapag produce ng ganitong kadaming milk. Kaya gusto kong ishare yung milk ko sa mga nangangailangan.”

Credit: Marian Rivera/Facebook

Todo suporta din ang asawa ni Marian na si Dingdong Dantes sa kawanggawa ng kabiyak.

Dagdag pa ng aktres, “Actually thankful din ako kasi sobrang 100% talaga yung support niya sa akin. Tapos siya din mismo nagsabi na sa sobrang kong daming milk, pwede kaming mag donate para makatulong dun sa mga batang nangangailangan. Especially sa mga newborn babies.”

Pati rin ang panganay na anak ng dalawa na si Zia ay may special participation din.

Ayon pa kay Dingdong ay si Zia daw ang nagbantay sa bunsong kapatid nitong si Sixto habang nagpa pump ng gatas ang kanyang ina.

Credit: Marian Rivera/Facebook

Samantala, mas lalong pang minahal at hinangaan ng mga netizens ang kabutihang loob ni Marian.

Ayon pa sa isang komento, “Wow! That’s awesome! I am proud of you my idol queen. So kind, generous, helpful. Donating your breastmilk to needy mothers for their babies. Congratulations!!! God bless you. We love you.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.