Angel Locsin, Dimples Romana, Angelica Panganiban, Anne Curtis at Bea Alonzo nagkasama pagkatapos ng dalawang taon

Sa isang natatanging pagkakataon ay muling nagsama-sama ang matalik na magkakaibigan at mga A-list actresses na sina Angel Locsin, Dimples Romana, Angelica Panganiban, Anne Curtis at Bea Alonzo.

Credit: Angel Locsin/Facebook

Kamakailan lamang, ay muli tayong pinaunlakan ng mga reyna ng showbiz nang magsasama-sama sila sa bahay nina Angel at asawa nitong si Neil Arce.

Ayon sa palitan ng kanilang mga komento sa social media ay medyo matagal tagal na nila itong pinaplano at ito ang unang pagkakataon na lahat sila ay tumambay sa parehong lugar sa loob ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Credit: Angel Locsin/Facebook

Samantala, nasaksihan natin kung paano umusbong ang karera ng bawat isa simula pa noong kanilang kabataan hanggang sa ngayon. At dahil sa ang showbiz ay isang “super competitive” na larangan ay madalas silang pinagsasabong kaya tila imposibleng makabuo pa sila ng magandang pagkakaibigan.

Credit: Angel Locsin/Facebook

Ngunit hindi kailanman nagpalinlang ang lima sa kinang ng showbiz kaya naman hanggang sa ngayon ay nananatili parin silang maglapit sa isa’t isa.

Credit: Angel Locsin/Facebook

Maraming fans ng lima ang sobrang saya ng makita ang kanilang mga idolo na nagsama-sama.

Credit: Angel Locsin/Facebook

Ang kanilang pagkakaibigan ay isa sa naging inspirasyon ng karamihan dahil kahit anuman ang nangyari sa kani kanilang buhay at karera, ay wala paring nagbago sa kanilang malalim na pagkakaibigan.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.