Kris Aquino ibinalitang pupunta sa abroad para sa tuluyang pagpapagamot

Muling nagpost si Kris Aquino sa kanyang Instgram account para ipaalam ang magandang balita tungkol sa kanyang kinakaharap na problema sa kanyang kalusugan.

Sa halos isang minutong video ay kasama ni Kris ang kanyangpamilya, mga malalapit na kaibigan, mga doktor at nurse para ibigay ang kanilang buong suporta ng magpaturok ito ng Xolair.

Ayon sa kanilang website ang Xolair ay isang injectable na gamot para sa mga taong mayroong moderate to severe persistent asthma na hindi nakukontrol ng mga normal na gamot para sa naturang sakit.

Ayon pa sa caption ni Kris, “1st Xolair injection was a success, meaning kinaya ko the full dose. For the privacy of my doctors let me say thank you using their 1st names: Dr. Hazel, Dr. Katcee, Dr. Nikki, and Dr. Cricket… nurse Eloi is back and nurse Bianca came para magbantay.”

“Of course, present my 2 closest friends hindi related by blood BUT I love like sisters, @annebinay and Cong @lenalonte.”

“Nakatutok siempre si @alvingagui, @rochelleahorro, @attygideon, Mike, Jeff, Andy, John, Laica, Rose, and Check.”

“And katabi ko #bestsonever Kuya Josh and Bimb. Yes, that’s why May Tita Ballsy, we were updating my Ate every step of the way.”

Muling nagpasalamat sa Kris sa mga patuloy na nanalangin para sa kanyang tuluyan na paggaling. Ibinalita din niya ang kanyang magiging plano sa sandaling walang maging problema sa kanyang mga pinagdadaanang medical treatment dito sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, “Thank you for your prayers- supposed to rest this week, then March 13 ang next shot- then after 5 days, praying nothing goes wrong, we finally go abroad and I continue my next doses of Xolair and finally tackle my autoimmune and other important health problems.”

Sinabi din niya na dahil sa pinagdadaanan sa ngayon ay nanatiling mababa ang kanyang timbang na nasa 85 pounds (38.5 kg) lamang.

Sa huli ay nananatiling positibo ang naging pananaw ni Kris sa buhay kahit hirap ito sa kasalukuyan.

“Good night and God bless you all. P.S. nurse Eloi was giving me diphenhydramine shots for my chronic urticaria, last night. Sanay na ko. Kailangan talaga kasi.”

“Thank you for being part of my road to wellness and hopefully better quality of life journey with me.”

Bumuhos naman ang mga well wishes sa comments section ng post na ito ni Kris mula sa mga kaibigan at mga tagahanga.

Get well soon Kris.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.