Isang nagpakumbabang Kris Aquino ang muling nagpost sa Instagram ng kanyang saloobin tungkol sa hindi nila pagkakaintindihan ni Senator Joel Villanueva.
Diretsahang inamin ni Kris na nasaktan at napahiya siya sa isang “program” diumano na may inilistang speakers at guests.
Ayon pa kay Kris, “P.S. Last week I know I hurt Sen @joelvillanueva’s feelings, although it was a private exchange of texts, publicly I’d like to sincerely apologize sobrang napahiya ako dahil sa isang “program” that listed speakers & guests.”
Binanggit din ni Kris na kinwestyon niya ang sinseridad ng senador sa kanyang namayapang kapatid na si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III.
Dagdag pa niya, “I’m sorry Sen @joelvillanueva, maling mali ako for questioning your sincerity regarding my brother, Noy- pasensya ka na very protective of his memory- bumabawi kasi sa mga pagka brat ko sa kanya.”
“#peace #trust respect and #lovelovelove na sana tayo ulit? Para sa kay Noy? I’m really trying my best to learn #humility na matagal nyang wish for me.”
Sinagot naman kaagad ni Sen. Joel ang paghingi ng sorry ni Kris sa kanya.
Paliwanag pa niya, “Hi Ma’am @krisaquino Above all, I fervently pray for your full recovery. God is our healer — abundant in grace and mercy, and always there to answer our prayers.”
“Secondly, there is no need to apologize, as everything that transpired in our text exchanges had all been a case of misunderstanding. In our crazy world of disinformation, I appreciate that you came to me first to know the truth.”
“We are all a work in progress, and we can only strive to keep the memory of PNoy alive. God bless you and your family more and more.”

Samantala, muling pinasalamatan ni Kris ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya at nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.
“You’ve all been part of my road to better health journey… ayokong may itago sa inyo…”
“BECAUSE I’m very GRATEFUL for all your prayers… bago mag next dose ng Xolair about a week from now, (which I am reacting to in a good way) gagawin ko na yung tests requested by my hematologist, who was also our mom’s oncologist, Dr Francis.”
Nagbigay din ng update si Kris tungkol sa kanyang pinagdadaanang medical condition.
Ibinalita niya na wala namang nakitang bahid ng cancer sa kanyang dugo ngunit mas gusto niyang masiguro na mapigilan ito pag nagkataon.
Sabi pa niya, “Although wala po akong cancer markers in my blood tests, meron syang mga gusto pang ma rule out before we leave in less than 2 weeks.”
“Hindi po ako takot sa tests, I prefer to know para kung maaagapan or may treatments, procedures, or solutions – magawa na soonest na walang delay.”

Binanggit din ni Kris ang kanyang army of doctors na nagtutulong tulong para masigurong nabibigyan siya ng tamang medical attention.
“So this Friday nag YES ako sa Pet Scan, Endoscopy, plus bone marrow biopsy (I was warned 5 days of discomfort after) BECAUSE I have full confidence in my team of doctors: my anesthesiologist, Dr. Jonnel (like before hindi po ako nagbibigay ng last names)… pain management, Dr. Henry (inalagaan na nya ‘ko when I had 3 impacted wisdom teeth surgically removed all in 1 go)… Dr. G, Dr Piano, Dr Katcee, Dr Nikki, Dr Cricket, Dr Hazel, Dr Nick, and sorry I just trusted Dr Francis with the endocrinologist he chose so I didn’t even ask for his name.”
Sa huli ay humingi siya ng panalangin para sa kanyang mga mahal sa buhay.
“Makulit ako, please also pray for my sisters who worry so much for the “baby” of the family (bunso po kasi), my sons, my trusted friends and my TEAM na talagang walang iwanan. God bless you all. Thank you.”