Isang masamang balita ang bumungad sa social media ni Jane de Leon ng ibinalita nito na isinugod siya hospital dahil sa sobrang pagod.
Ayon pa sa caption ng post ni Jane: “Even when you’re eating healthy and exercising a lot, there will be days when you feel exhausted. That’s okay. Sometimes you need to rest and recharge!”
Samantala, kahapon naman ay nagpost sa Facebook ang ina ni Jane na si Marie de Leon ng mga larawan ng anak habang nakahiga sa hospital.
Nirepost din naman ito ni Jane sa kanyang Facebook page.
Ayon pa sa caption ng post: “Thanked God at nakalabas ka na rin from your confinement babe. Be more careful next time with your health.”
Pinaalalahanan din si Jane ni Mommy Marie na mas importante ang kanyang kalusugan.
“Wag magpapagutom at magpahinga rin during free time. Importante ang trabaho pero mas importante ang kalusugan.”
“Health is wealth anak. Rest ka ng mabuti…I love you sooooo much! Karen May, if not for you di agad madala sa hospital si Jane.”

Pinasalamatan din niya ang lahat ng tumulong para mabigyan ng nararapat na medical attention ang anak. Maging ang talent management ni Jane ay pinasalamatan din nito sa kanyang post.
“Salamat sa inyo ni Dr. Ton Arcangel for your immediate action. Dr. Ton, thanks for being so accommodating and responsive, also for the room visits to check on Jane and for the little chats we had.”
“Moreover, to Starmagic management, JRB unit, Darna prod’n., Ms. Nenette Demillo Rustia and Tyrone James Escalante for attending to all of Jane’s concerns, maraming salamat sa inyo.”

Hindi rin naman nakalimutan ng ina ni Jane ang lahat ng mga tagahanga at tagasuporta na nag-aalala sa kanyang anak.
“God bless you all! P.S. pictures were taken yesterday and during her admission Wednesday night. She’s okay now but still on medication. Salamat din sa mga nagmi-message showing your concern. Love you guys!”
Kinumpirma naman ni Jane ang balita at sinabing, “I’m feeling a lot better now. Thank you so much po sa lahat ng nagmessage.”