Paano nalampasan ni Kylie Versoza ang kanyang pinagdaanang matinding depresyon?

Naging bukas ang pang anim na Filipina Miss International na si Kylie Versoza na pag usapan ang kanyang pinagdaanang depresyon sa Toni Talks ni Toni Gonzaga.

Na diagnose diumano si Kylie ng sakit na clinical depression noong siya 21 taong gulang.

Ayon sa website na mayoclinic.org, ang clinical depression ay ang mas matinding anyo ng depresyon, na kilala rin bilang major depression o major depressive disorder. Hindi ito katulad ng depresyon na dulot ng pagkawala, gaya ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay, o isang kondisyong medikal, gaya ng thyroid disorder.

Ikinuwento ni Kylie kung ano nga ba ang naramdaman niya bilang clinically depressd.

Ayon sa kanya, “Pakiramdam ko na buhay ako pero patay ako sa loob. Minsan yung thoughts na nasa ulo ko, bakit pa ako nandito or sana hindi ka nalang nagising or Kylie bakit ka pa nagising wala namang kwenta yung buhay mo, wala kang kwenta, wala kang silbi, ang pangit mo, hindi ka matalino, hindi ka magaling, hindi ka magaling sa kahit saan, bobo ka.”

“Ganyan na lahat ng thoughts ko for a long time. I was punishing myself for something that I didn’t really understand.”

Credit: Toni Talks/Youtube

Naisip daw diumano ang mga iyon ni Kylie dahil pakiramdam daw niya ay binigyan niya ng kahihiyan ang kanyang pamilya. Kinwestiyon din daw diumano nito ang kanyang sarili kung tama ba ang karerang pinasok niya bilang modelo.

“So many different factors. Very unstable din yung relationship ko nun. As a young girl hindi ko alam kung tama ba yung pinasok ko.”

Sinabi din ni niya na kahit anong gawin niyang paraan para pasayahin ang sarili ay hindi nawawala ang kanyang kalungkutang nararamdaman. Paliwanag pa niya na dumaan siya sa pinaka madilim na bahagi ng kanyang buhay.

“Wala akong gustong gawin. Hindi ko kayang gawin. Hindi ko kayang bumangon sa umaga. Para akong buhay pero patay sa loob.”

Isa pa sa nakakagulat na ibinahagi ni Kylie ay ng sinabi niya na naisip rin niyang magpakamatay.

Ang ama naman ni Kylie ang nagsabi sa kanya na siya ay depressed kaya kailangan niyang magpagamot. Ngunit sa una ay naging in denial daw diumano siya sa kanyang pinagdadaanan.

Kwento pa niya, “Ha? Hindi naman ako depressed. Anong depressed? Kasi sabi nila sakit mayaman daw yun di ba? Until, pini-feed niya sa akin ang articles on depression. So I read up on it. Nag research ako ano ba talaga yung depression. “

Credit: Toni Talks/Youtube

Dahil sa kanyang pinagdaanan kaya niya naisipang itayo ang Mental Health Matters.

Sabi pa ni Kylie, “Kaya ko naisipang itayo ang Mental Health Matters, one to give awareness na depression is a real sickness na pwede siyang i-treat. And also to have a good support system. Kasi may mga tao na walang support system that I had.”

Dagdag pa niya, “Actually ginawa ko yun after Miss International to build a community of people who are going through the same thing. Kasi yun din yung tumulong sa akin to help me heal.”

Ikinuwento din ni Kylie na ginamot niya ang kanyang depresyon sa “holistic” na pamamaraan.

“So if my dad is doing it the medical way baka kaya ko in a more holistic way. Kagaya ng yoga, meditation, so many different things but it’s the whole analysis nung buong lifestyle mo. The best way of treating depression is psychotherapy, yung pinag uusapan mo, either medicine or combination of both.”

Sa huli ay may mensahe si Kylie sa mga taong may katulad niyang pinagdadaanan.

“You really have to will yourself to get better. Kailangan gustong gusto mo na maging mabuti. It really takes supreme effort on your part to get better. No one will help you but yourself. You have to hold your hand. You are your own knight in shining armor.”

“So kaya mo yan. Kaya mong hilain ang sarili mo. Kasi in the end, ikaw lang talaga ang makakabangon sa sarili mo.” Pagtatapos pa ni Kylie.

Sa kasalukuyan ay meron nang 97,701 ang Mental Health Matters Facebook page.

Share this article
Erie Swan