Baby M trailer ni Darryl Yap trending sa social media; netizens kinilig

Apat na oras matapos magkaroon ng world premiere ang trailer ng Baby M ni Direk Darryl Yap at ng kanyang Vincentiments production ay trending parin ito sa social media.

Ayon pa sa caption ng video, “The official trailer of BABY M, a limited Vincentiments series, a non-political content of inspiration, Filipino pride, and unity. Written and directed by Darryl Yap, cinematography and editing by Arel Ebana, starring PJ Rosario.”

Bago pa man ipalabas ang trailer nito ay may patikim na ang direktor ng Kape Chronicles at The Exorcism of Lenlen Rose sa kanyang mga followers.

Ayon pa kay Darryl, “Ang kanyang ganti ay ang magwagi. #BABYM TRAILER BUKAS NA!”

Ang newbie actor na si PJ Rosario ang gumanap bilang Baby M. Isang gwapo, matangkad, matipuno, matalino, athletic at mabait na lalaki na tumatakbong student council president sa kanyang campus. Siyempre sino pa nga ba ang kanyang kalaban kundi si Lenlen Rose.

Ang video ay merong voiceover kung saan sinasabi nila kung bakit nila mahal si Baby M.

“Bakit ko mahal si Baby M? Bakit mahal ng tao si Baby M? Yung vision niya para sa lahat. Yung pag asa ng pag ahon. Yung pagpapakita niya ng lakas. Lakas na hindi mayabang. Yung lakas na kahit kaya niyang gumanti. Kaya niyang magbalik ng sakit o insulto. Hindi niya gagawin.”

“Kasi yun ang totoong lakas. Yung pagharap sa mga totoong tao, hindi lang sa media. Kahit pa madalas…imbes magkaisa, pinagkakaisahan pa siya.”

“Pero sa kabila ng lahat ng ‘to, may narinig ba mula sa kanya? Wala. Mabuting tao kasi. Mabuting tao talaga. Ang totoong lakas ay magpatawad at ‘wag gumanti.”

“Team player siya. Mahusay makisama pero may sariling diskarte. Mabuting tao si Baby M. Walang nakakaaway kahit laging inaaway. Marunong makipag kapwa tao. Matalino at mababa ang loob. Brilliant brave man. Mahal ko si Baby M!”

Samantala, hindi naman napigilan ng mga netizens ang kiligin sa patikim na trailer na ito ni Direk Darryl. Narito ang ilan sa kanilang mga nakakatuwang komento.

Sa kasalukuyan ay meron nang 439, 000 views ito sa Facebook at maging sa Twitter ay trending din ang hashtag na #BabyMTrailer.

Share this article
Erie Swan